The Pillar

The Pillar

Share

11/05/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ || ๐•๐ ๐’๐š๐ซ๐š ๐ƒ๐ฎ๐ญ๐ž๐ซ๐ญ๐ž, ๐ง๐š-๐ข๐ฆ๐ฉ๐ž๐š๐œ๐ก ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฆ๐š๐ซ๐š; ๐ค๐š๐ฌ๐จ ๐ข๐š๐š๐ค๐ฒ๐š๐ญ ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ง๐š๐๐จ

MAYNILA, Pilipinas - Pormal nang inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong araw, Mayo 11, 2026, ang impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte matapos makakuha ng 255 na pabor na boto, na higit pa sa kinakailangang 106 na boto upang opisyal na maiakyat ang kaso sa Senado.

Nag-ugat ang nasabing hakbang sa mga Articles of Impeachment na nagdedetalye ng mga alegasyon gaya ng paglabag sa Saligang Batas, pagtataksil sa tiwala ng bayan, at mga isyu kaugnay ng paggamit ng pampublikong pondo.

Matapos ang ilang linggong pagdinig sa House Committee on Justice, nakuha ng mosyon ang kinakailangang suporta ng mahigit 1/3 ng lahat ng miyembro ng Kamara upang direktang iakyat ang kaso sa Senado.

Dahil sa desisyong ito, magsisilbing mga โ€œprosecutorsโ€ ang ilang itatalagang miyembro ng Kamara sa gaganaping paglilitis sa Senado, na siyang tatayo bilang isang Impeachment Court sa pamumuno ng Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Inaasahang magsisimula ang paglilitis sa Senado sa loob ng mga susunod na linggo. Kung makakakuha ng 2/3 na boto, tuluyan nang matatanggal sa pwesto si Duterte at posibleng habambuhay na mapagbawalang humawak ng anumang posisyon sa gobyerno. ยถ

10/05/2026

๐‹๐ˆ๐“๐„๐‘๐€๐‘๐ˆ || ๐ˆ๐ง๐๐š๐ฒ๐จ๐ 

Sa kaniyang galaw, mala-palabas na kahanga-hanga,
Animo'y kabalyerong nakikipagpatintero sa harap ng tumatalsik na mantika,
Sa maliksing paghiwa ng sibuyas, waring artistang nagpupunas ng sariling luha,
Hindi niya alintana ang init at amoy nitong dala,
Kahit ayaw niya sa sisig, gumagawa pa rin para may maihaing munti,
Dahil alam niyang ang linamnam nitoโ€™y nakapagpapagaan kapag kinain nang tuluyan.

Kapag nagtitirintas, animo'y hinahabi sa higpit ang bawat hibla,
Sabay "Aray ko Nay!" tapos ay hahaplusin nang humupa ang nadarama,
Sinasablay ang bag sa likuran niya't sasamahan hanggang sa eskwela,
Hihintayin hanggang uwian, masigurong ligtas sa kalsada,
Tapos ay bibili ng paboritong empanada't palamig na mangga,
Sabay hihingi ng halik sa pisngi na laging iniiwasang ibigay dahil nahihiya

Gayunpaman, minsan na siyang nahuli ng paslit na may kakaibang ginagawa,
Kapag mag-isa sa bakuran, bigla siyang tumitigil sa paglalaba,
Dahan-dahang umiindak sa munting espasyo,
Marahang umiikot ang paa na tila nasa entablado,
Kamay ay nakataas at kinukumpas, sinusundan ang musikang siya lamang ang may nakakaalam,
Ngunit nang lumingon sa nagtitiktik, agad niyang ibinabalik ang sarili sa labada,
Animo'y pinigilang diwa sa isang tanghalan.

Hanggang sa pagsapit ng isang linggo, sa usling pintuan,
Nasilayan ang pagtangis ng mga mata, may bahid ng panghihinayang,
Subalit pilit na ngumingiti sa likod ng pagod na mukha,
Parang panahong dagliang huminto ang indayog sa gitna ng musika.
Sabay usal, โ€œIkaw pa rin ang pipiliin ko kahit anong mangyari, anak.โ€
Bumalong ang mga luha sa mata ng minsang paslit, kasabay ng munting bulongโ€” โ€œSalamat, Nay.โ€ ยถ

Verbo: Niรฑo Balawang
Dibuho ni EJ Duhaylungsod

Photos from The Pillar's post 07/05/2026

๐‹๐Ž๐Ž๐Š || ๐”๐„๐ ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ž๐ฌ ๐ฌ๐ญ๐š๐ญ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐จ๐ง ๐ก๐จ๐ง๐จ๐ซ๐š๐ซ๐ข๐š ๐๐ž๐ฅ๐š๐ฒ ๐œ๐จ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐š๐ข๐ง๐ญ๐ฌ

Special honoraria are supposed to be released today, May 7, 2026, based on an advisory issued yesterday, May 6, by the University of Eastern Philippines (UEP) in response to an anonymous complaint from one of the universityโ€™s Special Lecturers that circulated through a Facebook post on the same day.

โ€œUpon verification of official records, the university confirms that claims for honoraria for the Second Semester of Academic Year 2025โ€“2026 with complete documentary requirements have been duly processed, released, and paid,โ€ the advisory stated.

The notice informed both the complainant and the public that the administration had already completed the processing of honoraria claims for lecturers who had fully complied with the required documents.

The university also advised Special Lecturers to rely only on official channels and concerned administrative offices for accurate information regarding their concerns and queries. ยถ

Words by Mark Ruel Pagal

Want your business to be the top-listed Media Company in Catarman?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Catarman

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm