Visionnaries
30/05/2026
•05|30|26•
You were not created just to exist
you were created to be used by God.
|Help your youth to grow as followers of Jesus|
25/05/2026
Kapag Tahimik ang Diyos
May isang talata sa Bibliya na nagsasabing bakit mo ako ginagambala sa pamamagitan ng pagtawag sa akin?
(1 Samuel 28:15)
Nagiging dahilan ang bersikulong ito hanggang sa panahon ngayon na pwedeng makipagkomunikasyon ang mga buhay sa mga yumao ngunit kung uunawain natin ang malalim na kahulugan ibang iba ito sa karaniwang tinuturo ngayon na mas madali nilang maunawaan.
Mahigpit na kinokondena ng Bibliya ang necromancy, na itinuturing na isang kasuklam-suklam na kaugalian ng pagtatangka na paniwalaan o konsultahin ang mga patay.
(Deuteronomio 18:10–12, Leviticus 19:31, Leviticus 20:27).
Ganito ang nangyari kay Saul.
Dati, siya ang hari ng Israel. Pinili, pinagpala, at binigyan ng maraming pagkakataon ng Diyos. May propeta siyang gumagabay. May Salita ng Diyos na nagtuturo. May malinaw na direksyon mula sa Panginoon.
Ngunit unti-unti niyang pinili ang sariling kalooban kaysa pagsunod sa Diyos.
Hindi isang malaking pagbagsak ang sumira kay Saul. Nagsimula ito sa maliliit na pagsuway. Maliit na pagmamataas. Maliit na pagtanggi sa salita ng Diyos. Maliit na paglalagay ng sariling kagustuhan sa ibabaw ng utos ng Panginoon.
Hanggang dumating ang araw ng kanyang pinakamalaking takot.
Lumalapit na ang mga kaaway. Nanginginig siya sa takot. Gusto niyang marinig ang Diyos. Kailangan niya ng sagot.
Pero sabi ng Kasulatan:
"Hindi siya sinagot ng Panginoon."
— 1 Samuel 28:6
Nakakadurog isipin iyon.
Hindi dahil bingi ang Diyos. Hindi dahil mahina ang Diyos. Kundi dahil may taong paulit-ulit na tumangging makinig noong nagsasalita pa ang Diyos.
At dito naging mas mabigat ang trahedya ni Saul:
Noong nagsasalita ang Diyos, ayaw niyang makinig.
Ngayon na gusto na niyang makarinig, tahimik na ang langit.
Kaya naghanap siya ng sagot sa maling lugar. Pumunta siya sa mangkukulam sa Endor upang tawagin si Samuel.
Hindi ipinapakita ng kwentong ito na may kapangyarihan ang mangkukulam sa buhay at kamatayan. Hindi kailanman nawalan ng kapamahalaan ang Diyos.
Ang punto ng kabanata ay hindi: "Malakas ang mangkukulam."
- Kundi walang makakatakas sa salita ng Diyos.
totoong si Samuel ang pinahintulutan ng Diyos na magpakita. Hindi ito dahil may kapangyarihan ang mangkukulam na bumuhay o tumawag sa patay, kundi isang natatanging gawa ng Diyos para hatulan si Saul. Ang dahilan, ang mensahe ay tumpak, tumugma sa naunang propesiya ni Samuel, at hinatulan nito si Saul sa halip na tulungan siya.
Ang parehong mensahe ni Samuel noong siya ay buhay ay siya ring mensaheng narinig ni Saul bago ang kanyang wakas:
Ang pagsuway sa Diyos ay may bunga.
Napakalungkot isipin na minsan, hinahanap natin ang Diyos hindi dahil mahal natin Siya, kundi dahil natatakot na tayo sa resulta ng ating mga pinili.
Sapagkat ang pusong paulit-ulit na tumatanggi sa Diyos ay unti-unting tumitigas — at ang pinakamabigat na hatol ay hindi palaging bagyo o kapahamakan.
Minsan, ang pinakamabigat na hatol ay ang katahimikan.
Siyang may taengang makarinig, ay makinig.
HBM TVlog
HBM Tent Church Network
25/05/2026
JESUS THE TRUE VINE.
I am the vine; you are the branches. Whoever abides in me and I in him, he it is that bears much fruit, for apart from me you can do nothing.
John 15:5
Visionnaries 🙂
𝚅𝙸𝚂𝙸𝙾𝙽 𝚃𝙴𝙽𝚃 𝙲𝙷𝚄𝚁𝙲𝙷 | 𝙺𝙰𝙷𝙸𝙱𝚄𝙻𝙾𝙽𝙶𝙰𝙽
❛𝗬𝗼𝘂𝗿 𝘂𝘀𝗲𝗳𝘂𝗹𝗻𝗲𝘀𝘀 𝘁𝗼 𝗚𝗼𝗱 𝗶𝘀𝗻'𝘁 𝗱𝗲𝗳𝗶𝗻𝗲𝗱 𝗯𝘆 𝗮𝗴𝗲, 𝗯𝘂𝘁 𝗯𝘆 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗵𝗲𝗮𝗿𝘁 𝘁𝗼 𝘀𝗲𝗿𝘃𝗲.❜💖
20 years of ministry, 20 years of grace. 🌟
Beyond grateful for two decades of serving in ministry. It has been the privilege of a lifetime to watch God move in and through this community, honored to be a part of this journey.
🙌🥰
SEED HOME WORSHIP | VISION TENT CHURCH
𝒀𝑶𝑼𝑻𝑯 𝑻𝑶 𝒀𝑶𝑼𝑻𝑯 | 𝒀 𝑻𝑶 𝒀
-𝑺𝒊𝒔. 𝑳𝒊𝒛𝒆𝒕𝒕𝒆
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Glodo Street, Brgy. Sto-Niño
Carmen
8101