Balik Tunog

Balik Tunog

Share

30/08/2023

Babalik ang tinig mo Mike
ni: Matatas

'Antagal naman matapos ng 24 oras', noong bata ako, gabi-gabi ito ang turan ko. Lubos na kasi ang aking pagkasabik na masilayan ang mga pangyayari sa susunod na kabanata ng Encantadia sa aming telebisyon.

Noon akala ko din ay mag-asawa sina Mike Enriquez at Mel Tiangco, hindi pansin ang malaking pagkakaiba ng kanilang mga apelyido.

Sa pagpanaw ni Mike lubusan ang pagdadalamhati panigurado ang nararamdaman ng mga taong malapit at humahanga sa kanya, pagkadurog ng puso naman ang nararamdaman ng taong bayan lalung higit sa mga kabataang mamamahayag na humahanga at laging nag-aabang tuwing siya ay eere sa radio at telebisyon.

Ngunit ano nga bang ang tunay tinog ni Mike? Ito ba ay ang kanyang tanyag na 'Excuse me po!' sa pagbabalita, o ang 'Hindi ko kayo tatantanan' sa kanyang programang Imbestigador o ito ba ang kanyang nakakatuwang adlib sa isang serye ng pagbabalita 'Mga kapuso, uuwi na po ako', o baka naman ang kayang nakakatawang pagkakamali sa paglalahad ng hotline number kung saan nasabi niya ang 'sumbungan ng hotdog' na dapat ay 'sumbungan ng bayan' ano nga ba ang tatak na tinig ni Mike para sayo?

Kung ako ang tatanungin, ang tinig ni Mike ay ang kanyang presensya, paninindigan at prinsipyo. Presenya sa 24 oras, para sa taong bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng patas at mapagkakatiwalaang balita, paninindigan sa kanyang programang Imbestigador laban sa anumang katiwalian sa bayan, prinsipyo na inukit niya na ang pamamahayag ay isang karangalan, responsibilidad ngunit hindi pasanin at abala kailan man.

Isinulat ang talang ito hindi upang magpalaganap ng kalungkutan, ang layunin ay magbigay ng motivasyon at inspirasyon. Bilang isang manunulat at mamamahayag, tanging hiling na sa pamamagitan ng bawat mamamahayag pang-kampus ng O'Donnell High School ay mapanatili at maibalik natin ang tinig at alab ng buong pusong inialay ni Mike sa larangang ng pamamahayag.

"Wala tayong kikilingan sa anumang bagay, at hindi natutulog ang balita 24 Ora's"

25/06/2023

Tagapagsulat ng Liham: Ang Tahimik na Mamamahayag na may Maingay na Tagumpay

Ni: Matatas

Sa isang mundo na puno ng ingay at himig ng mga pulitiko, personalidad ng showbiz, at mga artista sa social media, mayroong isang uri ng mamamahayag na may kahanga-hangang tagumpay ngunit pinipili ang katahimikan. Ito ang istorya ng isang tahimik na mamamahayag na may malalakas na tagumpay, isang alamat sa larangan ng pag-uulat na kahit walang ingay sa labas, nagpapahayag ng lihim na pagbabago sa loob.

Sa mundo ng mga mamamahayag na tila lumilipad ang mga balita at kumukuha ng atensyon ng mga tao, ito ay isang hindi pangkaraniwang kuwento. Ang ating bayani sa pagsusulat ay hindi kilala ng marami, hindi siya nagsisikap na magpakilala o gumawa ng ingay. Sa halip, siya ay isang tahimik na tagamasid ng katotohanan, isang mapagmatyag na nilalang sa likod ng kamera.

Kahit hindi siya kilala ng mga tao, ang mga tagumpay niya ay hindi matatawaran. Sa loob ng kanyang karera, sumama siya sa mga peligrosong misyon upang ibahagi ang mga kuwento ng mga tao na nabibilang sa mga marhinalisadong sektor ng lipunan. Hindi niya hinangad ang papuri o ang paghahanga ng mga tao, ang kanyang pangunahing hangarin ay ibahagi ang mga hinaing at tagumpay ng mga taong karaniwang naiiwan sa dilim ng mga balita.

Ang ating alamat na mamamahayag ay nakapagligtas ng mga buhay, hindi sa pamamagitan ng paghampas ng kanyang pangalan sa mga pahayagan, kundi sa pamamagitan ng kanyang mga salita na nagbigay ng boses sa mga walang tinig. Hindi niya pinili ang landas ng sikat na tagumpay, ngunit sa halip ay inilaan niya ang kanyang buhay sa paglikha ng positibong pagbabago sa lipunan.
Ang kanyang mga reportahe ay naging daan upang matigil ang pang-aabuso, nabawasan ang katiwalian, at nabuksan ang mga puso't isipan ng mga tao. Siya ang boses ng mga inaapi, tagapagsalita ng mga walang tinig, at katuwang ng mga nangangailangan. Ang kanyang mga salita ay nagiging boses ng pagbabago, isang lihim na sandata na nag-aambag sa paghubog ng ating lipunan.

Hindi man kilala ng marami, ang tahimik na mamamahayag na ito ay nag-iwan ng malalim na bawas na hindi matatanggal sa isip at puso ng mga tao. Ang kanyang mga tagumpay ay hindi nasusukat sa kanyang kasikatan, kundi sa malasakit at inspirasyon na naibahagi niya sa iba. Sa pagiging tahimik niya, nagawa niyang himukin ang iba na lumahok at makiisa sa mga adbokasiyang naglalayong gawing maganda ang mundong ating ginagalawan.

Sa mundo ng mga mamamahayag na puno ng ingay at pag-aagawan sa pansin, ang tahimik na mamamahayag na may malalakas na tagumpay ay isang pambihirang kaluluwa. Hindi siya sumusuko, hindi siya nagpapatalo sa mga alingawngaw ng mundo. Ang kanyang mga sulatin ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon, nagpapalakas ng loob, at nag-aambag sa pagbabago na matagal na nating hinihintay.
Sa ating mga kamay, nasa ating mga puso at isipan ang kapangyarihang magsimula ng isang himala. Tayong lahat ay maaaring maging mga tahimik na mamamahayag na may malalakas na tagumpay sa bawat kilos at salita natin. Hindi na natin kailangang maging malakas sa pandinig ng marami, bagkus ay maging malalakas sa bisa ng ating mga gawa at adhikain.

Sa huling pagbibilang ng mga salita, tandaan natin na hindi ang lakas ng sigaw ang sukatan ng tagumpay, kundi ang lakas ng ating mga nagawang pagbabago. Kaya't isang taos-pusong palakpakan at pagsaludo sa ating tahimik na mga bayani, mga mamamahayag na may malalakas na tagumpay. Sa inyong katahimikan, ang mundo ay kumikilos at nagbabago.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Capas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


O'Donnell High School
Capas
2315