Lens and Letters
Through vivid lens and captivating letters, we share PHβs bestβnews, blogs, inspirational stories and vlogs that highlight the history, food, culture, and attractions of the province.
29/05/2026
07/05/2026
#πππππππ πππππππ πππ ππππππππ πππππππππ ππππ-πππππππππ, πππππππππ πππππ ππ πππ ππ ππππππ
Patuloy na kumikilos pakanluran-hilagang kanluran o west-northwestward ang Tropical Storm βHAGUPITβ habang nananatili ang lakas nito, ayon sa pinakahuling abiso ng DOST-PAGASA na inilabas alas-11:00 ng gabi nitong Mayo 7, 2026.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,750 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao, nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 80 km/h. Kumikilos ito sa bilis na 10 km/h.
Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang papasok ang bagyo sa loob ng PAR sa pagitan ng Sabado ng gabi, Mayo 9, at Linggo ng umaga, Mayo 10, at tatawagin itong βCaloyβ kapag nasa loob na ng bansa.
Posible pang lumakas si βHAGUPITβ sa loob ng susunod na 24 oras bago unti-unting humina dahil sa hindi paborableng kondisyon ng panahon. Maaari rin itong maging isang tropical depression pagsapit ng Lunes ng gabi, Mayo 11, habang nasa Philippine Sea.
Sa ngayon, sinabi ng PAGASA na mababa pa ang posibilidad na direktang makaapekto ang bagyo sa lagay ng panahon at karagatan sa loob ng susunod na tatlong araw.
Pinapayuhan ang publiko at mga lokal na tanggapan ng disaster risk reduction and management na patuloy na magmonitor ng mga susunod na ulat at abiso kaugnay ng bagyong βHAGUPIT.β
Courtesy/Screengrab Photos from by: DOST-PAGASA page
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Camiling