II-Math B Output:Blog/Vlog
Gawain #3:
Blog Entry:
By: MIÑAS, JOHN REY R.
Online Class: Epektibo nga ba?
Sa sitwasyon ngayon na ating kinakaharap ito ay ang Covid-19 pandemic na kung saan isa sa labis na naapektuhan ang pag-aaral ng mga studyante, kabilang na dito ang mga nasa elementary, high school at mas higit na naapektuhan ang mga college students. Higit na mas kailangan ng focus sa pag aaral ang mga college students dahil hindi madali ang pag aaral sa kolehiyo. Ang paraan ng pag aaral ngayon ay online kung saan ang ibang mga studyante sa kolehiyo ay nahihirapan bagkus hindi lahat ay kayang tugunan ang kailangan para sa online class. Una na dito ang gadgets, hindi lahat ng studyante ay may maayos o magandang gadgets, mayroon din na walang magamit dahil walang pang bili sapagkat hirap din sa buhay. Pangalawa na dito ang signal o ang internet, hindi lahat ng mga studyante ay malakas ang signal, hindi lahat ay naka wifi karamihan ay nagpapaload ngunit hindi parin sapat bagkus hindi lahat kayang tugunan dahil sa pandemic na ito. Walang sapat na pang tustos dahil maraming studyante ang hirap din sa buhay. Isa pa dito ay ang ibang studyante ay malalayo ang bahay, malayo na kung saan walang signal. Kaya sa tingin ko labis na naapektuhan ang pag aaral ng mga studyante.
Tulad ko, bilang isang studyante hindi madali ang online class, hindi palagi may internet at hindi palagi malakas ang signal. Hindi rin makapagfocus sa pag aaral dala ng ingay ng kapitbahay, mga a*o, at kung ano ano pa. Kinakaya naman subalit hindi parin sapat ang ganitong paraan para makapag aral kami ng maayos. Para saken hindi gaanong maganda ang gantong paraan dahil may mga sagabal ngunit kakayanin parin para sa kinabukasan. Pipilitin kahit mahirap, kakayanin para sa pangarap.
Para sa lahat ng mga studyanteng tulad ko na nahihirapan din, wag tayong susuko, laban lang palagi. Kahit mahirap laging isipin na kayang kaya malampasan ang lahat ng pagsubok na ating kinakaharap. Maapektuhan man ang ating pag aaral hindi yan hadlang upang sumuko tayo sa ating mga pangarap sa buhay. Kailangan natin paghirapan ang mga bagay na gusto natin, ang mga pangarap natin kaya dapat huwag susuko, gaano man kahirap ang sitwasyon pilitin nating lumaban. Dito natin matututunan na magpahalaga at magsikap upang makamit natin ang ating mga pangarap. Maging mapamaraan tayo sa lahat ng sitwasyon at higit sa lahat huwag kakalimutan ang ating panginoon na humingi ng gabay sa lahat ng mga pagsubok na ating kinakaharap.
GAWAIN #3
Jhas' Vlog || Things I've Kept Over the Years || Jasmin Herrera
GAWAIN #2
LAING PRODUCT
Prepared by: Ella Marie Pareja
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Camalig
4502