Talutang
28/03/2024
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | Lumulubong kaso ng Pertussis sa Pilipinas, ikinababahala ng DOH, agarang solusyon ang kailangan
โItโs coughing seasonโฆโโ oppss may ubo ka na rin ba? Baka pertussis na yan!
Apat na taon simula nang umusbong ang pandemyang dulot ng Covid, muling nababahala ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH) sa panibagong sakit na kumakalat ngayon sa Pilipinas.
Malaking takot ang idinudulot ngayon ng Pertussis o mas kilala sa tawag na โwhooping coughโ at โthe cough of 100 daysโโ tinutukoy bilang isang respiratory illnessโ na may lumulubong kaso ngayon sa kalakhang bahagi ng Luzon at may pailan-ilan nang naiuulat sa mga probinsya sa Kabisayaan.
Pangunahing puntirya ng nasabing sakit ang mga kabataan, kabilang na ang mga sanggol na hindi tataas sa anim na buwan ang gulang. Walang makapagpasusubali na hindi lahat tao ay maaaring dapuan ng naturang sakit dahil wala itong pinipiling edad. Makikitaan ng mga sintomas tulad ng lagnat, sipon, at ubo ang mga dinadapuan ng Pertussis. Sanhi ito ng isang uri ng bakteryang may pangalan na Bodotella pertussisโ nadiskubre noong 1906, at may nabuo nang bakuna para rito noong 1940s.
Tinatawag na โwhooping coughโ ang pertussis dahil sa katangian ng pag-atake nito sa tao. Karamihan sa mga naiulat na mayroong pertussis ay nakararanas ng sunod-sunod na pag-ubo at kadalasang hinahabol ang paghinga sa hulihan, na nakalilikha ng โwhoopingโ sound kaya rito nakuha ang katawagang โwhooping cough.โ
Ang sintomas tulad ng ubo ay kadalasang tumatagal ng dalawa hanggang tatlong buwan, ayon ito sa obserbasyon ng mga dalubhasa. Ngunit ang nasabing sintomas ay maaaring maagapan kung lalapatan agad ng lunas ang pasyente ng sapat na gamot at bakuna.
May kaakibat ngayon na hindi bababa sa 568 na kaso ng Pertussis ang mayroon ang bansa sa kasalukuyan, habang mayroon nang 40 na pagkamatay ang naitala, base ito sa pinakasariwang ulat na inilabas ng DOH. Dahil dito, inaanyayahan ng DOH ang mga magulang o guardians na pabakunahan ang kanilang sanggol ng pentavalent vaccine nang libre sa mga government health centers.
Ang lumulobong kaso ng naturang sakit ay malaking bahala para sa ahensiya ng kalusugan lalo paโt kakapahinga pa lamang ng mga ospital at medical health workers sa mga nagdaang taon dulot ng Covid 19 pandemic. Kung gayon ay nararapat lamang na bigyan ito ng pansin at palawigin ang pagbabakuna upang hindi na tumaas ang mga naiuulat na kaso kaugnay nito. Ang kahandaan ng bansa tungo sa pagsagupa sa Pertussis ay may malaking angkla upang hindi na magkaroon pa ng kinatatakutang ikalawang bugso ng pandemya.
๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ฎ๐ฆ๐ด ๐๐ญ๐ฅ๐ณ๐ช๐ฏ ๐๐ณ๐ข๐ค๐ฆ
๐ฑ๐ถ๐ฃ๐ฎ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐น ๐๐ท๐ข๐ฏ ๐๐ฎ๐ข๐ฏ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
P7 Pajo Street , Brgy. San Policarpo
Calbayog
6710