BFAR SAAD MIMAROPA
19/05/2026
𝐌𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐬𝐚 𝐍𝐒𝐌𝐍𝐋𝐘𝐃𝐄𝐂𝐀𝐁 𝐬𝐚 𝐋𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚𝐜𝐚𝐧, 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧
Pormal na ipinagkaloob sa mga miyembro ng Nagkakaisang Samahan ng mga Mangingisdang Nagmamalasakit sa Likas Yaman ng Brgy. Decabaitot (NSMNLYDECAB) sa Linapacan, Palawan ang mga kagamitang pangkabuhayan na inaasahang makatutulong sa pagpapalakas ng kanilang kabuhayan.
Kabilang sa mga ipinamahaging kagamitan ang isang unit ng 14 cu. ft. HD inverter chest freezer, isang unit ng 48V/3KW solar unit, at sampung piraso ng fish container na may 40-kilogram capacity.
Layunin ng nasabing interbensyon na matulungan ang samahan sa mas maayos na pag-iimbak at pagpreserba ng kanilang mga huling isda, lalo na sa mga panahong kinakailangang mapanatili ang kalidad ng produkto bago ito maibenta sa merkado.
Dumalo sa aktibidad ang mga opisyal at miyembro ng NSMNLYDECAB gayundin ang mga kinatawan ng Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Decabaitot bilang suporta sa patuloy na pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mangingisda sa kanilang lugar.
𝑺𝑨𝑨𝑫, 𝒌𝒂𝒂𝒈𝒂𝒑𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒎𝒂𝒖𝒏𝒍𝒂𝒅 𝒏𝒂 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Barangay Sapul
Calapan
5200
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |