Atty. Ricka Plata Goco

Atty. Ricka Plata Goco

Share

Photos from Atty. Ricka Plata Goco's post 20/05/2026

πŸ’πŸ”π­π‡ 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π„π’π’πˆπŽπ πŸ’–πŸ›οΈ

Muling nagsagawa ng sesyon ang 10th Sangguniang Panlungsod upang talakayin ang mga mahahalagang usapin, programa, at hakbangin na patuloy na magbibigay ng mas maayos at makabuluhang serbisyo para sa bawat CalapeΓ±os. πŸ’•

Naging espesyal din ang araw sa pagbisita ng Oriental Mindoro National High School 3x3 Female Division Team upang magsagawa ng solicitation bilang paghahanda sa kanilang pagsabak sa SBP Pambansang Tatluhan 3x3 Under-16 Championship Zone 4 Finals. πŸ€πŸ«Ά

Isang karangalan para sa ating lungsod na masuportahan ang mga kabataang atleta na patuloy na nagpapakita ng sipag, disiplina, at determinasyon sa pagdadala ng dangal para sa Oriental Mindoro.

Patuloy nating susuportahan ang mga programang nagbibigay inspirasyon at oportunidad sa ating kabataan, kasabay ng paghahatid ng serbisyong may malasakit para sa komunidad. πŸ’–β˜οΈ

Photos from Atty. Ricka Plata Goco's post 06/05/2026

𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 ππ€π’π”πŠπ€π! πŸ“šπŸ’•

Opisyal nang sinimulan ang pamamahagi ng libreng school bags at supplies para sa humigit-kumulang 19,000 kindergarten, daycare, SPED, at elementary students sa Lungsod ng Calapan. πŸ’–

Kabilang sa mga unang nakatanggap ang Adriatico Memorial School, Camilmil Central School, Calapan Central School, at Parang Elementary School, habang nagpapatuloy ang distribusyon sa iba pang paaralan sa Calapan City Convention Center. πŸŽ’

Naipamahagi ito sa unang linggo ng Mayo upang mabawasan ang gastusin ng mga magulang at matiyak na handa ang bawat batang Calapeño sa nalalapit na pasukan.🫢

Para sa mas maayos na edukasyon at tunay na sulit na serbisyo para sa bawat pamilya. πŸ«ΆπŸ’•

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Calapan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Calapan
5200

Opening Hours

9am - 5pm