Samu't Sari - Letran Calamba

Samu't Sari - Letran Calamba

Share

Kami ay nakikiisa sa paglalarawan ng mga nasa't mithiin ng nakararaming bahagdan ng lipunang ating kinabibilangan sa pamamagitan ng paglikha ng sining na may makaagham na batayan.

18/02/2026

✨ANG NAGBABALIK!✨

Muling sisiklab ang entablado sa isang makabagong pagsasadula ng pag-asa at pananampalataya! Ipinagmamalaki ng Samu’t Sari – Letran Calamba ang AIRBNBETHLEHEM, ang opisyal na kalahok sa ika-20 TANGHAL LUSONG: National University and Community-Based Theater Festival – Pista nin Teatro 2026 sa Legazpi City, Albay.

Isang kontemporaryong paglalakbay na hinango sa Panunuluyan, tampok ang mga hamon ng makabagong panahon—mula sa impluwensya ng social media hanggang sa realidad ng ating lipunan—na magbubukas sa mas malalim na pagninilay sa diwa ng Pasko at tunay na kahulugan ng pag-asa.

📍 Mapapanood sa Rm. M301, San Martin de Porres Bldg.
📅 Pebrero 19–21, 2026
🎟️ Entrance Fee: ₱100 lamang

Suportahan ang lokal na sining at maging bahagi ng isang dulang tumatawid sa panahon—mas matapang, mas makabuluhan, at mas napapanahon.

Kita-kits sa entablado! 🎭

Photos from Samu't Sari - Letran Calamba's post 17/12/2025

Sa kasalukuyan, Ang Samu't-Sari ay yumayabong nang muli sa pagsasama-sama ng mga estudyanteng mayroong natatanging pagsinta sa Sining at Kultura ng Letran Calamba, bilang kanluan ng pangkat pangteatrong ito. Ipinagmamalaki ng Samu't Sari ang mga nagsiganap sa kanilang nagdaang maikiling dula patungkol sa makabagong paglalahad ng "Panunuluyan", na pinamagatang "AirBNBethlehem":

Anne Patiga bilang "Mary"
Nick Malabanan bilang "Joseph"
Fatima Ulat bilang "Senador" at isa sa Tatlong Hari
Paul Ken Manaig bilang "Kulot Dismaya" at isa sa Tatlong Hari
Nuel Almeda bilang "Scammer" at isa sa Tatlong Hari
Lovella Laguardia bilang "Cashier"
Althea Jainga bilang "Farmer"

Iba-Iba
Sama-sama
Nagkakaisa

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Brgy. Bucal
Calamba