Dugong Bayani - Mayor Ross Rizal
Rizal featuring his daily activities, public service initiatives, and development programs for the City of Calamba. True to the “Ramdam na Reporma” battle cry of the new city government, this page is to disseminate information that is timely, factual, informative, accurate, and relevant about the programs, projects, development, and services of the Office of the City Mayor to its constituents. Wi
03/06/2026
MOA Signing Between Calamba at Santa Rosa para sa Pagpapatuloy ng Drug Rehabilitation Habang Itinatayo ang sarili nating Balay Silangan Reformation and Rehabilitation Center sa Brgy. Makiling. 🫂💙
Lumagda ang Pamahalaang Lungsod ng Calamba at Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, sa panguguna ni Mayor Arlene Arcillas, sa isang Memorandum of Agreement para sa paggamit ng Balay Silangan ng Santa Rosa bilang pansamantalang reformation at rehabilitation facility para sa mga kwalipikadong drug surrenderers mula sa ating lungsod.
Habang isinasagawa ang konstruksyon ng sarili nating Balay Silangan Reformation and Rehabilitation Center sa Brgy. Makiling, tinitiyak natin na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng kinakailangang intervention, rehabilitasyon, at suporta sa mga nagnanais magbagong-buhay.
Isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas, mas maayos, at mas mapayapang Calamba.
02/06/2026
Sa pamamahagi ng Learner’s Kit sa Tiyani Elementary School at Castor Alviar National High School, hindi lamang tayo nagbigay ng mga gamit sa pag-aaral—nagbigay rin tayo ng dagdag na inspirasyon at kumpiyansa upang mas lalo nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.
Sa bawat notebook na mabubuksan, lapis na magagamit, at araling matututunan, nawa’y magsilbi itong paalala na marami ang naniniwala sa kanilang kakayahan at mga pangarap.
Patuloy nating suportahan ang edukasyon, dahil ang bawat batang natutulungan ngayon ay may kakayahang magdala ng positibong pagbabago para sa ating lungsod at sa ating bayan bukas. 💙📖
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Mayor's Office/Calamba City Hall
Calamba
4027