Calamba Component City Police Station

Calamba Component City Police Station

Share

17/01/2026

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 π“π”π‹π€πŠ 𝐒𝐀 ππ‘π†π˜. 𝐂𝐀𝐍𝐋𝐔𝐁𝐀𝐍𝐆, π“πˆπŒππŽπ† 𝐒𝐀 ππ”π˜-𝐁𝐔𝐒𝐓 πŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ 𝐍𝐆 π‚π€π‹π€πŒππ€ ππŽπ‹πˆπ‚π„

Dalawang (2) hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang matagumpay na naaresto ng mga Calamba Police Station sa isinagawang buy-bust operation noong Enero 16, 2026 sa Sitio Majada-in, Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina alya Jo, 42 taong gulang at alyas Lan, 48 taong gulang na parehong nakatira sa Sitio Majada In, Barangay Canlubang, Calamba City, matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 3 gramo at tinatayang may halagang β‚±20,400.00.

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng PDEA Coordination Control No. *-**-********-** kung saan nakumpiska ang iba’t ibang ebidensya kabilang ang mga heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at iba pang kaugnay na kagamitan.

Ang buong operasyon ay naitala gamit ang Body Worn Camera (BWC) at Alternative Recording Device (ARD) at ipinaalam sa mga suspek ang kanilang Miranda Rights at Anti-Torture Warning Act.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CCPS para sa dokumentasyon at inquest proceedings.

Ayon sa ating hepe na si PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN, OIC ng Calamba CCPS, β€œHindi po kami titigil sa aming kampanya laban sa ilegal na droga. Ang bawat operasyon na aming isinasagawa ay para sa kaligtasan ng mamamayan at kapayapaan ng ating mga barangay. Patuloy po kaming umaasa sa pakikipagtulungan ng publiko sa pagbibigay ng tamang impormasyon.”

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

14/01/2026

REGIONAL MOST WANTED PERSON NA NANGGAHASA NG MENOR DE EDAD, ARESTADO SA CALAMBA

Matagumpay na naaresto ang isang Regional Most Wanted Person na sangkot sa panghahalay sa menor de edad sa pamamagitan ng isang magkasanib na operasyon noong gabi ng Enero 13, 2026 sa Southville Phase 6, Brgy. Kay-anlog, Calamba City, Laguna.

Ang naarestong akusado ay si alyas Jo, 28 taong gulang, construction worker at residente ng nasabing barangay. Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Family Court, Branch 8, Calamba City, kaugnay ng dalawang (2) bilang ng Qualified R**e of a Minor at dalawang (2) bilang ng Acts of Lasciviousness, kung saan walang inirekomendang piyansa para sa mga mabibigat na kaso.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng joint operation ng RID4A–Special Team bilang lead unit at ng warrant personnel ng Calamba CCPS, na nagresulta sa maayos at matagumpay na pagdakip sa akusado.

Ang pag-aresto ay naitala gamit ang Alternative Recording Devices (ARDs) at ipinaalam sa suspek ang kanyang karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine at Anti-Torture Law.

Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa kustodiya ng Calamba CCPS, at ang mga kaukulang dokumento ay ihaharap sa korte para sa tamang disposisyon.

Pahayag ng ating hepe na si PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN,
β€œAng matagumpay na joint operation na ito ay patunay ng matibay na koordinasyon ng iba’t ibang yunit ng PNP. Hindi kami titigil hanggang sa mapanagot ang mga taong gumagawa ng karahasan laban sa mga bata. Ang Calamba Police ay nananatiling matatag sa pagbibigay ng hustisya at proteksyon sa kabataan.”

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

Want your organization to be the top-listed Government Service in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Calamba City Hall
Calamba