DPWH Region IV-A

DPWH Region IV-A

Share

Photos from Presidential Communications Office's post 05/06/2026

๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜€, ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€, ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ต๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ต๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜„๐—ฎ๐˜†!

Mula sa tatlong oras, magiging isang oras at 45 minuto na lamang ang biyahe sa pagitan ng Tacloban City at Catbalogan City sa oras na makumpleto ang rehabilitasyon ng Maharlika Highway sa Samar ngayong Agosto 2026.

Sa pag-inspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng kalsada sa Pinabacdao, Samar, tiniyak niya ang mataas na kalidad ng proyekto upang mapabuti ang interconnectivity, mapabilis ang paggalaw ng mga tao at produkto, at mapalakas ang mga oportunidad sa ekonomiya sa rehiyon.

Inaasahan ding mababawasan ang gastos sa transportasyon, mapapahusay ang logistics para sa mga magsasaka at negosyante, at magiging mas madali ang pag-access sa edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at iba pang mahahalagang serbisyo, at magiging mas ligtas at mas maaasahan rin ang pagdaan ng mga relief at recovery operations sa panahon ng kalamidad.

05/06/2026

๐๐๐๐Œ ๐’๐€ ๐ƒ๐๐–๐‡: ๐€๐˜๐”๐’๐ˆ๐, ๐๐€๐“๐ˆ๐๐€๐˜๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐…๐‹๐Ž๐Ž๐ƒ ๐‚๐Ž๐๐“๐‘๐Ž๐‹ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐†๐€ ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘
๐˜”๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฐ๐˜จ, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ayusin at patibayin ang flood control project sa Pampanga upang maprotektahan ang mga barangay sa paligid ng Pampanga River mula sa matinding pagbaha, lalo na ngayong papalapit na ang tag-ulan.

Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na sisimulan na ang upstream interventions sa Pampanga River, habang minamadali na ang paglalagay ng gabions sa bahagi ng Brgy. Candating at pagbabaon ng 24-metrong sheet piles sa Brgy. Cupang upang mapatibay ang riverwalls at protektahan ang mga flood-prone areas sa Arayat, gayundin sa mga kalapit na bayan ng Mexico at San Fernando, Pampanga.

โ€œBased on the directive ni Presidente, kailangan gumawa na tayo ng mga solusyon upstream. Meron tayong limang dam at detention basins na gagawin upstream for 2027. Malaki ang maitutulong [nito] dahil doon pa lang sa itaas, napipigilan na ang daloy ng tubig pababa,โ€ sinabi ni Secretary Dizon sa kanyang pag-inspeksyon ng mga proyekto sa lugar kasama si Vice Governor Dennis โ€œDeltaโ€ Pineda.

Photos from Department of Public Works and Highways's post 04/06/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Binalikan ni Public Works Secretary Vince Dizon kasama sina QC Mayor Joy Belmonte at Project NOAH Executive Director Mahar Lagmay ang Matalahib Creek Pumping Station sa Brgy. Talayan at Brgy. Santo Domingo, Quezon City upang tingnan ang resulta ng pag-aalis ng steel sheet piles at trumpet walls sa nasabing pumping station pati na rin ng tuloy-tuloy na dredging operations sa San Juan River na layuning mas mapabilis ang daloy ng tubig at maibsan ang lagpas-taong baha sa lugar lalo na ngayong simula na ng tag-ulan.

Nauna nang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasaayos ng Matalahib Creek Pumping Station bilang tugon sa taun-taong dinadaing ng mga residente na pagbaha sa lugar, lalo na tuwing may habagat o malakas na bagyo.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Canlubang Interchange, Brgy. Mayapa
Calamba

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm