NASNIP TV
30/03/2026
11/10/2025
🕊️ R.I.P. EDGARDO “PAPAY” OCAMPO 🤍
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng iyong pagmamalasakit, pag-aasikaso, at walang sawang pagtulong sa amin, Papay. 🙏
Sa bawat laban natin sa NASNIP, ikaw ang isa sa aming sandigan. Palaging nariyan upang magbigay ng inspirasyon, suporta, at lakas ng loob. 💪 Hindi namin makakalimutan ang iyong masiglang pagbati, ang mainit mong ngiti, at ang kabaitan mong nagdulot ng saya sa aming lahat. 🥺
Hindi ka lang naging kaibigan, isa ka naming tunay na kapamilya. 🤝❤️ Isa kang tao na may pusong busilak, laging handang tumulong, at may malasakit na walang kapalit.
Ang iyong kabutihan, kasipagan, at mga masasayang alaala ay mananatiling buhay sa aming mga puso. Maraming salamat, Papay, sa lahat ng pagmamahal at kabutihang ibinahagi mo. NAPAKABUTI NG PUSO MO. 🤍
Hanggang sa muli, Papay. Mahal ka namin — at hindi ka namin malilimutan. 🕊️💐❤️
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Address
Calamba
4027