DepEd Tayo -Ulango Elementary School -Calamba City
With this fb page, you are updated. #Unity towards Excellence at Service #AbanteUlango
Mga makabuluhang sandali mula sa Paghahayag sa Bantayog at Paggunita sa Ika-165 Kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal.
Isang pagdiriwang ng pagkakaisa, paggalang, at pagpupugay sa buhay at mga aral ng ating pambansang bayani. Mabuhay ang diwa ni Rizal!
18/06/2026
"Ang kahandaan ngayon ay kaligtasan bukas."
Nakiisa ang Ulango Elementary School sa isinagawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) – 2nd Quarter bilang bahagi ng pagpapaigting ng kahandaan ng paaralan sa panahon ng sakuna.
Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, natutuhan at naipamalas ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ang wastong mga hakbang na dapat gawin kapag may lindol, kabilang ang "Duck, Cover, and Hold" at ang maayos na paglikas patungo sa mga ligtas na lugar.
Mahalagang maging handa sa lahat ng oras sapagkat hindi natin alam kung kailan at saan tatama ang lindol. Ang kaalaman, disiplina, at tamang paghahanda ay makatutulong upang mapanatiling ligtas ang bawat isa sa oras ng sakuna.
Patuloy nating isabuhay ang kahandaan at pagtutulungan upang maging mas ligtas ang ating paaralan at komunidad.
17/06/2026
MALUGOD NA INAANYAYAHAN ANG LAHAT!
Makibahagi sa Pagkilala sa Bagong Bantayog at Komemorasyon ng Ika-165 Kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal sa darating na Hunyo 19, 2026 (Biyernes), ganap na ika-7:00 ng umaga sa Ulango Elementary School.
Sama-sama nating gunitain ang buhay, mga adhikain, at pagmamahal sa bayan ng ating pambansang bayani sa pamamagitan ng pormal na pagkilala sa bagong tayong bantayog na magsisilbing inspirasyon sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon.
📅 Hunyo 19, 2026
🕖 7:00 ng umaga
📍 Ulango Elementary School, Calamba City
Ang inyong presensya at pakikibahagi ay lubos naming ikararangal.
Tara at sabay-sabay nating parangalan ang dakilang anak ng Calamba at ng sambayanang Pilipino, si Dr. Jose P. Rizal!
08/06/2026
Maligayang pagbabalik sa paaralan, UES learners! Isang panibagong taon na naman ng pag-aaral, pagkakaibigan, at mga pagkakataong matuto at magtagumpay.
Nawa'y maging masaya, ligtas, at makabuluhan ang ating School Year 2026–2027.
Welcome back, learners! 💚
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Calamba City
Calamba