BURZAGOM
25/04/2026
Paalala: Mag-ingat sa UNWANTED PREGNANCY.
Alamin kung paano ito maiiwasan.
Tandaan: Kapag nabuntis ka ng hindi ka handa ay iprepara mo na ang sarili mo sa impyernong buhay.
Ang sanggol ay malaking pasanin.
Ang pagkakaroon ng anak ay malaking responsibilidad.
Napakalaking pera ang kakailanganin mong ubusin, napakaraming oras ang dapat mong gugugulin, dahil ang pagkakaroon ng anak ay 24/7 na trabaho. Idagdag pa riyan ang pag-aalala sa isang nilalang na maeexpose sa lahat ng klase ng kasamaan at panganib ng mundong ito.
In short, ang pagkakaroon ng anak ay pagbibigay ng malaking problema at isipin sa sarili mo. Kaya alamin mong maigi kung gusto mo nga ba talaga ito.
Kung pipiliin mong magkaroon ng anak ay dapat mong malaman at tandaan na sa iyo at sa iyo lamang nakasalalay ang responsibilidad rito.
Ang pampadede, pampagamot, at pangtustos sa iba pa at lahat na ng pangangailangan nito kasama na ang oras para alagaan at bantayan ito ay hindi mo dapat kailanman hingiin sa ibang tao kung may respeto ka sa sarili, dahil ang desisyon mo ng pagkakaroon ng malaking pasanin na iyan ay ikaw at ikaw lamang ang pumili at ang pasaning iyan ay sa iyo at sa iyo lamang nakaatang.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Address
Calamba