CACD Calaca City
16/03/2026
𝗖𝗮𝗹𝗮𝗰𝗮 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 - 𝟭𝘀𝘁 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿𝗹𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝟭𝟯 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲
Sa patuloy na pag-agapay ng tanggapan ng City Assistance for Community Development, katuwang ang nakatalagang City Cooperatives Development Officer at ang tagapanguna ng Komite ng Kooperatiba sa Sangguniang Panlungsod, Kgg. Robenson Sale, ay isinagawa ang 1st Quarter Meeting ng Calaca City Cooperative Development Council para sa taong 2026.
Naging sentro ng talakayan ang muling pag-organisa ng kasapian ng konseho upang tugunan ang kinakailangan para sa rekognisyon nito sa Cooperative Development Authority. Nag-ulat din ang bawat kooperatiba sa kasalukuyang kalagayan ng kanilang operasyon at mga programa. Pinag-usapan din sa pulong ang mga aktibidad, programa at proyekto ng lungsod na maaaring kabilangan ng sektor at ang patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng Calaca na pinamumunuan ni City Mayor Nas Ona upang higit na paunlarin ang sektor.
Samantala nagbigay naman ng ulat at paalala ang kinatawan ng CDA, Gng. Elizabeth Arago sa mga dumalong kooperatiba patungkol sa mga kinakailangang dokumento at iba pang programa ng tanggapan.
Patuloy pa rin ang tanggapan sa pagpapalakas sa sektor upang maging katuwang ng lungsod sa pagpapaunlad ng mga komunidad at bawat kasapi nito.
13/03/2026
𝗟𝘂𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗠𝗮𝘁𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 - 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗘𝘃𝗮𝗹𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 | 𝟭𝟮 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲
Tuloy-tuloy ang pag-agapay ng tanggapan ng City Assistance for Community Development sa Lumbang na Matanda Farmers Association na pinamumunuan ni Pangulong Aniceto Enriquez sa isinagawang Project Evaluation and Monitoring bilang paghahanda sa proyektong Native Chicken Raising mula sa kolaborasyon ng Philippine Coconut Authority (PCA) at Bureau of Animal Industry (BAI).
Kasama ang nakatalagang kawani ng tanggapan, pamunuan ng samahan at mga kinatawan mula sa mga ahensiya ng PCA at BAI ay nagsagawa ng monitoring sa mga kasaping magiging benepesyaryo ng programa upang tiyakin ang kahandaan ng mga ito bago ang pagsisimula ng implementasyon ng proyekto.
Patuloy pa din ang Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni City Mayor Nas Ona sa pamamagitan ng tanggapan ng CACD Calaca City sa pakikipag-ugnayan sa mga iba't ibang ahensiya upang makapaghatid ng serbisyo at programa para sa pagpapaunlad ng bawat Calacazen at mga komunidad sa ating siyudad.
Patunay ng Tamang Gawa sa Lungsod ng Calaca!
28/02/2026
𝗖𝗮𝗹𝗮𝗰𝗮 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗢𝗗𝗔 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 | 𝟮𝟳 𝗣𝗲𝗯𝗿𝗲𝗿𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲
Sa gabay at pangangasiwa ng tanggapan ng City Assistance for Community Development na pinangungunahan ni G. Arnel Lopez, CACD-OIC, nagsagawa ng pagpupulong ang Calaca City Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) Federation sa pamumuno ni Pangulong Godofredo Espinoza.
Pinagtalakayan sa pulong ang pagsusumite ng bawat Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng pinakabagong listahan ng mga miyembro at opisyales nito sa tanggapan. Binigyang diin din sa pulong ang usapin ng pagsusumite ng naiisip na proyektong pangkabuhayan ng grupo at ang magiging paghahanda para dito.
Tuloy-tuloy naman ang tanggapan sa paggabay sa iba't ibang sektor kabilang ang transportasyon.
27/02/2026
𝗦𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝗶𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗖𝗮𝗹𝘂𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 | 𝟮𝟱 𝗣𝗲𝗯𝗿𝗲𝗿𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲
Sa pangangasiwa ng tanggapan ng City Assistance for Community Development sa pangunguna ni G. Arnel Lopez, CACD-OIC, nagkaroon ng pagtutuos ng kalagayang pampinansiya ng Samahan ng Nagkakaisang Kababaihan sa Caluangan na pinamumunuan ni Pangulong Christine Joy Ozenia.
Nagsagawa ng financial audit ng umiiral na proyektong pangkabuhayan ng samahan upang alamin ang estado ng pananalapi ng samahan at tiyakin ang pagpapatuloy ng Hog Raising Livelihood Project ng grupo na umiiral sa ilalim ng NASA TIYAGA: Programang Pangkabuhayan na sinusuportahan ng pamahalaang lokal sa liderato ni City Mayor Nas Ona.
Pinalawig din ng samahan ang proyekto kung saan ay nagkaroon din 2 benepesyaryo ng hog breeding ang grupo. Kasabay naman ng isinagawang financial audit, isang panibagong benepesyaryo ng NASA NEGOSYO ang ginawaran ng pondo para sa indibidwal na proyektong pangkabuhayan nito.
Tuloy-tuloy ang pag-agapay ng tanggapan upang lahat ng samahan ay mai-angat ang kabuhayan. Patunay ng serbisyong may malasakit at tamang gawa para sa mga mamamayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Calaca
4212