MIDY.ph

MIDY.ph

Share

03/03/2021

Dear Ate M,

Una sa lahat ako po'y nagpapasalamat sa Itaas sa lahat ng biyayang ipinagkaloob Niya sa atin. Ako po si Christofer, na taga Nagtipunan. Ang aking kwento ay nag simula nung panahong ako ay nag aaral ng college sa Manila.

Ako po ay may girlfriend noon, si Lyn. Mabait po siya at maging ang kanyang pamilya ay tanggap ako. Kami po ay talagang nagmamahalan ng biglang dumating ang isang malaking pagsubok sa amin na kung saan ay mauuwi sa aming hiwalayan.

Sa loob ng dalawang taon kami po ay naging masaya Ngunit isang araw ay bigla ko na lamang naramdaman na parang umiba na ang aking nararamdaman para sa kanya.. Na parang hindi na ako kinikilig at wala na akong nararamdamang spark. Iniisip ko noon ay dahil lagi kaming magkasama kaya baka ako ay nagsawa. Pero siguro yun ang ginawa kong dahilan para ma-justify ang aking panibagong nararamdaman.. na meron na akong ibang nagugustuhan.

Opo Ate, pumasok sa aming buhay si April. Sya po ay classmate namin at opo ate Alam rin po niya na may girlfriend ako. isang araw nung nag absent si Lyn doon ko naramdaman na parang nag-iba ang tingin ko para kay April. Para bang na-realize ko na gusto ko siya at kaya sinubukan kong makipagkaibigan sa kanya. Nilapitan ko siya at nakipagkwentuhan hanggang sa dumatingkaminsa usapang kung may boyfriend ba siya. Hanggang sa lumalim na ang pagkakaibigan. madalas kaming palihim na nagtetext at naguusap. Palihim dahil hindi alam ni Lyn tungkol kay april.

Dahil po in love ako kay April naging natural ang aming ligawan at napa-oo ko naman siya Ate. Napakasaya ko sa kanya. Pero dumating din ang araw na kinakatakutan ko Ate, nahuli ako ni Lyn. Napadala ko sa kanya ang isang text message na para kay April. Nag-away kami ni Lyn Ate at kinailangan ko nang aminin sa kanya ang relasyon namin ni April. Naawa ako noon kay Lyn Ate, kitang kita ko noon sa mata niya ang sakit na nararamdaman nya. Ang sama ng loob at kalungkutan nya.

Noong panahon na yon alam kong mahal ko si April pero di ko rin maiwan si Lyn. Ngunit ang tadhana ang nagdesisyon para sa akin Ate Midy, dahil nalaman ko na buntis na si April. Gulong gulo ako noon Ate. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang ayusin ang takbo ng buhay ko. Alam ko noon na hindi pa kami handa ni April dahil mga estudyante palang kami. Alam ko din na noong mga panahon na ‘yon ay umaasa pa si Lyn na magkabalikan kami. Noong nalaman niya na buntis si April, masakit para kay Lyn pero ang sabi niya ay handa parin siyang tanggapin ako. Sa tingin ko noon ay dala nalang din ng kalungkutan at labis na pagmamahal niya sa akin kaya niya nasasabi ang mga ‘yon. Kulang nalang noon ay magmakaawa sa akin si Lyn Ate, at alam kong hindi ko deserve ang kanyang pagmamahal.

Dahil sa situtation pinili kong panagutan si April Ate. Alam kong hindi pa kami emotionally at financially prepared pero mahal ko po siya at ang magiging anak namin, kaya gusto ko na pagpinanganak niya ang aming anak ay magkakaroon ang aming anak ng isang pamilya na buo..kahit gipit kami dahil ang allowance na bigay sa akin ng aking magulang ang tanging source of income namin ay nairaos naman namin ang panganganak ni April.

Tumira kami sa bahay nila April Ate, at nung mai-panganak ang aming anak ay tumulong na rin ang aking mga magulang sa mga gastusin.

Pagkaraan ng dalawang taon Ate, nagtapos ako sa aking pag-aaral at si April naman ay nagpatuloy sa kanyang nahintong pag-aaral. Hirap ako noon makahanap ng trabaho at ako naman ang nagbanantay sa aming anak habang nag-aaral si April. Sinubukan ko na din ayain noon si April ng magpakasal ngunit ang sabi niya ay hindi pa siya ready at maging ang kanyang mga magulang ay ayaw dahil wala pa akong trabaho.

Isang araw, bigla ko nalang nararamdaman na parang nag-iba na ang treatment sa akin ni April Ate. Hindi na siya tulad ng dati na sweet, na responsible sa pagiging nanay niya, nagbago na siya Ate. Hindi na siya ‘yung April na pagkatapos ng klase ay uuwi na agad. Madalas ay ayaw niya na sinusundo ko siya sa school. Marami na rin siyang alibis tuwing late siya umuuwi, panay na rin ang pagbabarkada niya. l

Patuloy na lumabo nang lumabo ang relasyon namin Ate, hanggang sa siya na rin mismo ang gustong nakipaghiwalay sa akin, dahil gusto daw niya ng space. Hindi mawala sa isip ko noon na baka meron na siyang iba. Hindi naman niya ipinagkait ang anak namin. Umalis na rin ako sa bahay nila.

Nagbibigay na lamang ako ng sustento para sa aming anak Ate, ngunit meron mga oras na wala akong maibigay dahil wala akong trabaho. Napaka hirap ng buhay ko noon. Di ako makahanapnng trabaho at Dagdag pa ng sama ng loob ko na humantong kami sa ganito ni April. Minahal ko siya Ate, kaya hindi parin ako sumuko na kausapin siya upang maayos namin ang relasyon namin pero wala na talaga. Ilang beses na rin na naghintay lang ako sa harap ng bahay nila pero never niya hinarap. Minsan ate ay naiisip ko na rin siguro ito na ang karma ko. Napaka bilis na karma. Di rin matanggal sa isip ko kung ano ang buhay ko kapag si Lyn ang pinili ko. Isang araw, bago magbpandemya naisip ko na sanang contakin si Lyn pero bigla kong nabalitaan na sya pala ay ikakasal na. Labis din ang lungkot ko nun...

Noong nagka pandemya bumalik na rin ako dito sa Nagtipunan. Hindi pa rin maayos ang relasyon namin ni April at mukhang Hindi na talaga kami nagkaayos. Nakakausap ko na lamang ang aking anak sa pamamagitan ng video call. Masakit pa rin para sa akin ang kinahantungan ng relasyon namin. Hindi ko na rin alam kung magmamahal pa kaya ako ulit, at kung may tatanggap pa kaya sa akin ngayong may anak na ako.

Litong-lito ako Ate Midy, hanggang ngayon ay hindi ko parin maiwasang maalala ang mga nakaraan. Kung paanong naging ganito ang buhay ko. Hindi ko na rin alam kung paano ko sisimulang ayusin ang buhay ko. Paano nga ba?

Sana po ay mapayuhan niyo ako. Hanggang dito nalang…

Nagmamahal sa inyo,

- Christoper

Want your business to be the top-listed Media Company in Cabarroguis?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Culinary Team

Attire

Website

Address


Cabarroguis
3400