TOL.

TOL.

Share

01/03/2024

NAWA'Y MAPUNTA SA 'YO 'YUNG TAONG MARUNONG MAG-ALAGA SA PUSO MO.

Huwag mong pahintulutan ang sarili mong magpakatanga sa pagsinta na 'di mo ramdam ang iyong halaga. Hindi nararapat sa 'yo na mabalewala, deserve mo 'yung pag-ibig na marunong umunawa at may pag-aaruga.

Doon ka sa pagmamahal na 'di ka iiwan at mananatili sa 'yo kahit na meron man kayong pagdaanan at umabot man kayo sa puntong 'di na kayo magkaunawan.

Iwasan mo sanang maging sunod-sunuran sa mga nagsasabing kung mahal mo ang isang tao, titiisin mo lahat—dahil kung mahal ka talaga niyan, 'di ka niyan paulit-ulit na sasaktan.

Ang puso mo ay hindi laruan. Huwag mo 'tong ipalaro sa taong hindi sigurado sa 'yo.

Uulitin ko, mahalaga ka.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Bustos?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Eugenio Street Poblacion Bustos
Bustos
3007