Ruan Writes
15/07/2023
PAHINGA
Sa mundong nakakapagod siya
ang aking naging lakas.
Hiling ko na sana sa dulo kami ang wakas.
Palagi kong pangako ako'y magpapalakas.
Upang di 'na siya umiyak pero sa
tadhana ako'y malas.
Pangako ako'y lalaban kaya natin
'to panghawakan.
Sakit lang 'to pero tayo ay nagmamahalan.
Ayokong bumitaw, ayoko pang lumiban.
Kaya ko 'to iyong paniwalaan.
Ako'y napapagod na. Mahal,
maari na ba akong magpahinga?
Patawad sa mga pangako na
hindi ko 'na matutupad pa.
Salamat sa pagmamahal at pag-aalaga.
Dadalhin ko sa kabilang buhay
ang saya ng iyong alaala.
Written by RUAN AUGUSTE
Photo not mine Ctto.
Uwu, I'm back! I'll post and update again. 😊
Hiatus.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Address
Bocaue
Bulacan