MHO SMB
MAHALAGANG PABATID | ANTI-RABIES VACCINATION SCHEDULE
Ipinababatid po ng Pambayang Tanggapan ng Kalusugan ng Pamahalaang Bayan ng San Miguel
na MAYROON po tayong iskedyul para sa mga nangangailangan ng ANTI RABIES VACCINE, Ngayong araw (LUNES) February 3, 2025 sa RHU IV Buliran Health Center & Birthing Facility.
Oras ng pagbabakuna:
8am - 10 am Lahat ng bago, FIRST DOSE, lahat ng TRANS IN o galing sa ibang clinic. Ipapatupad pa rin po natin FIRST COME FIRST SERVE BASIS(mayroong pila)
10-am- 12pm pila ng lahat ng FOLLOW UP DOSES ng nabakunahan sa aming pasilidad ng kanilang 1st dose, ito ay upang masigurado na makukumpleto ng lahat ang naaayon na bilang ng doses para sa kanilang anti-rabies vaccine.
Ang lahat po ay pinaaalalahanan na magsuot ng facemask para sa kaligtasan ng bawat isa.
Maraming Salamat po.
13/01/2025
MUNICIPAL HEALTH OFFICE | BABAE, MAHALAGA KA! 💖
Magpascreen na para sa CERVICAL CANCER!
Ang Pamahalaang Bayan ng San Miguel sa pamumuno at patnubay ng ating Punong Bayan, Igg. Roderick DG. Tiongson, ng ating Ikalawang Punong Bayan, Igg. John “Bong” Alvarez, sa pagtutulungan ng Municipal Health Office na pinangungunahan ni Dr. Hamir Chin-Hechanova (MHO) at Rotary Club of Metro San Miguel, ay nag-aanyaya sa mga kababaihan na magpa-screening para sa cervical cancer.
Ang maagang pag-detect ay mahalaga para sa kalusugan at kinabukasan mo. Huwag nang hintayin pa ang sintomas—libreng screening at konsultasyon ang aming handog para sa iyo!
📍 Lugar: Brgy. Sta Ines Covered Court
🗓️ Petsa: Enero 15, 2025 (Miyerkules)
🕘 Oras: 8:00 ng UMAGA
Mga Dapat Tandaan bago magpascreen:
1. Walang kontak sa partner sa loob ng 24 oras.
2. Walang buwanang dalaw o menstruation.
3. Sa lahat ng sumailalim sa operasyong TAHBSO, o lahat ng wala ng matris ay hindi na po kailangang magpa-screen.
4. Kababaihan edad 30 hanggang 65.
Sa araw po ng screening, magdala ng isang valid ID maliban sa TIN ID.
Sa lahat po ng katanungan maaari pong lumapit sa midwife ng inyong barangay o sa mga Barangay Health Worker (BHW) sa inyong lugar.
Magparehistro na at alagaan ang iyong kalusugan—dahil ikaw ay mahalaga! 💪💗
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the practice
Website
Address
Municipality Of San Miguel Bulacan
Bulacan
3011