QvantCorp
28/05/2024
Rehabilitation of Water System
11/05/2024
PAGPAPATUPAD NG ASYNCHRONOUS CLASSES/ DISTANCE LEARNING MODALITY SA
LAHAT NG ANTAS NG PAMPUBLIKONG PAARALAN AT DISCRETIONARY PARA SA MGA UNIBERSIDAD/ KOLEHIYO AT MGA PRIBADONG PAARALAN
Sa pagsubaybay ng Pamahalaang Panlalawigan sa kalalagayan ng Heat Index, ito ay bumaba kumpara noong mga nakaraang araw na nasa danger status. Sa ngayon at sa mga susunod na araw, ang Lalawigan ay inaasahan na makararanas ng nasa 37 hanggang 40 degrees Celsius o kategoryang nasa "Extreme Caution" na lang
Kaugnay nito, upang patuloy na mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga Bulakenyo, batay rin sa napagkasunduan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, ipinapabatid ang mga sumusunod:
1. Itinatagubilin na ibalik ang pagpapatupad ng Asynchronous Classes/Distance Learning
Modality sa mababa at mataas na antas ng pampublikong paaralan;
2. Hinihikayat man ang pagpapatupad ng nasabing learning modality sa mga unibersidad kolehiyo at sa lahat ng antas ng pribadong paaralan lalo na sa mga walang mga sapat na air-condition o hindi malamig na silid paaralan, bagama't ito ay discretionary o nasa pagpapasya na ng kanilang pamunuan.
Ang mga nabanggit na tagubilin ay ipatutupad mula Mayo 13, 2024 at ipagpapatuloy hanggang maglabas ng panibagong direktiba patungkol sa learning modality. Ito ay upang
maipagpagpatuloy ng mga paaralan ang kanilang mga nakatakdang gawain ngunit mahigpit na pinapaalalahanan na tiyakin at bigyang prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral.
Muli, pinapaalalahanan ang lahat na sundin ang mga preventive measures upang maiwasan ang pagkakaroon ng suliranin sa kalusugan.
Mangyaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Punong Lalawigan o sa PDRRMC kung sakaling may malalaman na nangangailangan ng tulong ng ating pamahalaan. Itinatagubilin ang pagiging alerto at pag-ungat ng bawat isa.
Para sa inyong mahigpit na pagtalima.
DANIEL R. FERNANDO
Punong Lalawigan / PDRRMC Chairman
07/05/2024
Happy birthday Sir Felizardo P. Capule Jr. May God bless you with lots of blessings and bring you good luck on your birthday and every day!
From your DMSTMS Family
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Bulacan