Botolan Tourism Office
16/07/2026
🌿🎓𝗟𝘂𝗯𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶!
𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝘀-𝗽𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝗸𝗮𝘆 𝗚. 𝗡𝗶ñ𝗼 𝗖𝗼𝘀𝗺𝗲, 𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗶𝗽𝗮𝗴 𝗮𝘁 𝗱𝗲𝗱𝗶𝗸𝗮𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗠𝘁. 𝗣𝗶𝗻𝗮𝘁𝘂𝗯𝗼 𝗹𝗼𝗰𝗮𝗹 𝘁𝗼𝘂𝗿 𝗴𝘂𝗶𝗱𝗲 𝗮𝘁 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗔𝘆𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗕𝗼𝘁𝗼𝗹𝗮𝗻, 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗰𝗵𝗲𝗹𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗶𝗻 𝗙𝗼𝗿𝗲𝘀𝘁𝗿𝘆 𝘀𝗮 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗥𝗮𝗺𝗼𝗻 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 (𝗣𝗥𝗠𝗦𝗨) 𝗕𝗼𝘁𝗼𝗹𝗮𝗻 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀.
Ipinamalas mo ang iyong husay at dedikasyon hindi lamang sa pagbibigay ng mahusay na serbisyo sa turismo, kundi maging sa iyong pag-aaral. Ang iyong sipag, tiyaga, at pagpupursige ay nagsisilbing inspirasyon sa ating komunidad.
Nawa'y magsilbing simula ang tagumpay na ito sa mas marami pang oportunidad. Hangad namin ang iyong patuloy na pag-unlad at tagumpay sa bawat hakbang ng iyong buhay.
Kami ay lubos na ipinagmamalaki ang iyong tagumpay.
Muli, taos-pusong pagbati, G. Niño Cosme! 🌿🎓 Patuloy kang maging inspirasyon at mabuhay!
15/07/2026
𝗟𝗠𝗣 𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 | 𝗝𝗨𝗟𝗬 𝟭𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲
Bilang Pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Zambales Chapter, nakiisa ang ating butihing Mayor Hon. Jun Omar Ebdane sa isinagawang LMP Meeting kahapon, Hulyo 14, 2026 na pinangunahan ng host Municipality na Palauig, Zambales, sa pamumuno ni Mayor Christian Daniel Aceron.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahalagang usapin ng mga guest speaker mula sa ATOCEL, ZAMECO I at ZAMECO II. Naging mahalaga ang kontribusyon ni Ms. Maria Domitela D. Mora, Pangulo ng ATOCEL, para sa pagbibigay ng impormasyon patungkol sa 8th ATOCEL Convention 2026, at nina Ms. Sharon Domacena, CPA ng ZAMECO I at Engr. Romwil F. De Jesus, P*E ng ZAMECO II, na tumugon sa mga katanungan hinggil sa usapin tungkol sa singil sa kuryente.
Layunin ng pagpupulong ay magkaroon ng karampatang tugon sa mga hinaing ng publiko sa mga kasalukuyang usapin at magsawa ng mga programang makatutulong sa kapakanan ng mga mamamayan. Ang pagkakaisa ng bawat alkade ng Probinsya ng Zambales ay naglalayon ng tuloy-tuloy na pag-unlad ng lalawigan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
New Municipal Hall/Diwa Bldg. , Batonlapoc
Botolan
2202
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |