Shop Now

Shop Now

Share

30/04/2026

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang lumabas na panayam sa isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kaugnay sa umano’y kakulangan ng ₱8,000 na ayuda para sa isang buwan.
Panoorin👉 https://tinyurl.com/4jpj9h36

Sa naturang panayam, ibinahagi ng isang 4Ps beneficiary na umaabot lamang umano ng halos isang linggo ang naturang halaga dahil sa pang-araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya. Ayon sa kanya, walong katao ang kabilang sa kanilang household kaya mabilis ding nauubos ang ayudang kanilang natatanggap.

Ang ₱8,000 na social amelioration grant ay bahagi ng pondong inilaan ng pamahalaan upang matulungan ang mga informal workers at mga kabilang sa poorest of the poor sa gitna ng ipinatupad na enhanced community quarantine.

Dahil dito, naging usap-usapan sa social media ang nasabing pahayag at nagbigay ito ng magkakaibang pananaw mula sa publiko—may ilan na nagsasabing sapat ito kung maayos ang pagba-budget, habang ang iba naman ay naniniwalang kulang ito lalo na para sa malalaking pamilya.

Sa ngayon, patuloy ang diskusyon online kung sapat nga ba ang ₱8,000 para matustusan ang pangangailangan ng isang pamilya sa loob ng isang buwan.

Kayo, ano sa tingin ninyo—sapat ba ang ₱8,000 para sa isang buwan na gastusin ng isang pamilya? I-comment ang inyong opinyon sa ibaba.

28/02/2026

Nanaig muli ang Violet at Pink 😱😱😱😱

Big Winner, Caprice and Lella ❤️🥹
Panoorin 🎥👉 https://tinyurl.com/4zvrbjmb

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Bobon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Bobon
6401