BoakeNews

BoakeNews

Share

12/05/2025

𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗔𝗥𝗠𝗜 𝗖𝗔𝗥𝗥𝗜𝗢𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚 𝗨𝗧𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗜-𝗦𝗜𝗡𝗚𝗟𝗘 𝗩𝗢𝗧𝗘 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗘𝗛𝗔𝗟

Umugong ang usap-usapan sa bayan ng Boac matapos lumabas ang umano'y direktibang ipinalabas ni Mayor Armi Carrion sa kanyang mga tagasuporta na magsagawa ng "single vote" o "bullet voting" para sa pagka-konsehal, at ang tanging iboto lamang ay ang kanyang anak na si Francis "Isko" Jacinto.

Ayon sa impormasyong nakuha mula sa isang source na malapit sa kampo ni Carrion, personal umanong ipinag-utos ng alkalde sa kanyang grassroots organizers at loyal supporters na huwag nang bumoto ng iba pang kandidato para konsehal maliban kay Isko Jacinto. Layunin umano nito na masigurado ang pagkapanalo ng kanyang anak sa gitna ng masikip na labanan sa local council race ng Boac.

Dagdag pa ng source, hindi lingid sa kaalaman ng marami na ito na ang huling termino ni Mayor Carrion bilang punong-bayan. Kaya’t sinasabing si Francis Isko Jacinto ang inihahanda at inilulunsad na pumalit sa kanya bilang susunod na mayor ng Boac sa darating na halalan sa 2028.

Bagamat wala pang pormal na pahayag mula sa kampo ng alkalde, hindi ito ang unang pagkakataong nababanggit ang planong "political succession" ng pamilya Carrion. Sa kabila nito, marami ang kumukwestyon sa etika ng panawagang "single vote," na umano'y sumisira sa prinsipyo ng patas at malayang halalan, at lalong nagpapatingkad sa isyu ng political dynasty sa lalawigan.

Want your business to be the top-listed Media Company in Boac?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Barangay Laylay
Boac
4900