MSWDO BOAC
30/03/2026
March 23, 2026
JOINT RECOGNITION DAY – ILAYA II CLUSTER
Tema: “Munting Hakbang Tungo sa Maunlad na Kinabukasan”
Ang Joint Recognition Day ng Ilaya II Cluster ay isang makabuluhang pagdiriwang bilang pagpupugay sa 101 batang kinilala, na binubuo ng 50 batang lalaki at 51 batang babae mula sa iba’t ibang Child Development Centers—Daig, Malbog, Maybo, Poctoy, Bamban, Catubugan, Balagasan, Mainit, at Tambunan CDC—sa nasabing cluster.
Layunin ng gawaing ito na kilalanin ang pagsisikap at tagumpay ng mga bata sa kanilang maagang yugto ng edukasyon bilang pundasyon ng kanilang patuloy na pagkatuto at pag-unlad.
Lubos ding ipinapaabot ang taos-pusong pasasalamat sa mga Sangguniang Barangay at mga Opisyal ng Bayan ng Boac, sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Kgg. Armi DC Carrion; Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Mark Anthony E. Seño; at sa Ika-12 Sangguniang Bayan, sa kanilang walang sawang suporta sa programa ng Day Care Service.
Gayundin, kinikilala ang mahalagang papel ng mga magulang at Child Development Workers sa kanilang dedikasyon at walang humpay na paggabay, pagtuturo, at paghubog sa kabataan.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng bawat isa, ang munting hakbang ng mga batang ito ay nagiging daan tungo sa isang maunlad at maliwanag na kinabukasan.
TARA KABATAANG BOAKENYO!
29/11/2025
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Boac
4900