Sir MACS
28/03/2025
Makauwi sana ako sa lugar na parang Tanauan—isang syudad na, sa kabila ng abala ng araw at ingay ng mundo, ay may tahimik na sulok na parang tahanan. Dito, bawat daan ay may kwento, bawat mukha may iniingatang laban. Malamig ang hangin sa umaga, pero ramdam ko ang bigat ng mga hakbang ng mga taong nagmamadaling itaguyod ang pangarap.
Habang nakatayo ako sa harap ng karatulang “City of Tanauan,” napapaisip ako—ilang tao na kaya ang napadaan dito? Ilang pangarap ang itinaya sa syudad na ito? Ilang luha at tagumpay ang itinago ng bawat kanto? Sa bawat dumaraan, nakikita ko ang mga matang puno ng pag-asa, pero nararamdaman ko rin ang bigat ng mga iniinda nila. May mga paang tila bumabagal dahil sa pagod, pero tuloy pa rin kahit minsan gusto na lang sumuko.
Para sa akin, ang Tanauan, tulad ng buhay, ay isang paanyaya: “Halika, umuwi ka. Hindi perpekto, pero may lugar dito para sa’yo.” Sana lahat ng tahanan ay parang ganito—hindi naghahanap ng perpekto, hindi humihingi ng paliwanag. Sana may pinto akong pwedeng pagbalikan, kahit basag na ako, kahit ilang beses na akong nabigo. Sana may lugar kung saan hindi ko kailangang magsuot ng tapang araw-araw, kung saan hindi ko kailangang takpan ng ngiti ang sugat ko. Sapat na sana ang ako—kahit pagod, kahit nawawala, kahit hindi sigurado sa landas na tinatahak.
Dito sa lugar na ito, sa Tanauan o kung saan man ako tatahan, sana matagpuan ko ang isang tahanang hindi nagtatanong kung bakit ako nahulog o kung gaano pa kalayo ang mararating ko. Isang tahanang marunong magsabi ng, “Pahinga ka muna. Bukas ulit.”
13/03/2025
Yung pakiramdam na pagod na pagod ka matapos ang isang mahabang araw—gusto mo na lang huminto kahit sandali.
Minsan, bago umuwi, mas okay pang maglakad-lakad muna, maghanap ng tahimik na lugar, o uminom ng kape nang hindi nagmamadali. Hindi para takasan ang pagod, kundi para bitawan kahit kaunti bago dalhin sa bahay. Parang pahinga ng isip bago sumabak ulit bukas.
Hindi laging madali, pero darating din ‘yung araw na lahat ng pagsisikap natin may gantimpala. Tuloy lang. Papabor din ang panahon sa tamang oras.
For those who carry invisible loads, who offer strength to others even when their own is running low. For the silent warriors, the resilient souls, the ones who start over time and time again, driven by dreams they hold close to their heart. For the givers who rarely receive, the listeners who seldom find ears willing to listen, and the supporters who clap from the sidelines, often without applause for themselves.
This is for you.
One day, life will be more than just getting through; one day, you’ll feel what it means to truly live. ❤️😊
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Binmaley
2417