ALA EYY LIPA
09/09/2025
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ข๐ข๐ ๐๐ข๐ก๐ง๐ฅ๐ข๐?
Pinangalanan ni former Bulacan DPWH engineer Brice Hernandez sa pagdinig ng Kongreso sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Joel Villanueva na nakinabang umano sa kickbacks sa ilang proyekto sa Bulacan.
Inisa-isa rin ni Hernandez ang pangalan ng bawat proyekto na konektado umano ang dalawang senador.
Nagpapatuloy ngayong Martes, Sept. 9 ang House Infracomm hearing kaugnay sa umanoโy maanomalyang flood control projects.
Source: House of Representative
07/09/2025
BAGSIK, Pinarangalan sa BANTOG 2025 ng Batangas State University
Batangas City โ Muling pinatunayan ng BAGSIK (Batangueรฑong Grupo sa Sining at Kultura) ang kanilang mahalagang papel sa pagsusulong ng sining at kultura matapos kilalanin sa prestihiyosong BANTOG 2025: Pagpaparangal sa Natatanging Alagad ng Sining ng Batangas State University. Ginanap ang seremonya noong Huwebes, Setyembre 4, 2025, sa Narra Hall, Jose Rizal Building, Pablo Borbon Campus.
Sa temang โSuloy โ Hasa, Husay, Hirangโ, iginawad sa BAGSIK ang parangal bilang samahang aktibong nakikipagtulungan sa komunidad upang paunlarin ang sining at kultura ng Batangas. Tumanggap ng karangalan sa ngalan ng grupo ang kanilang Ikalawang-Pangulo, Architect Edwin Lazaro Barrion, kasama ang iba pang kasapi na sina Bill Perez, Emmanuel Rigoberto Tolentino at Luther Eroa.
Noong BANTOG 2023 ay kinilala na rin ang BAGSIK para sa kanilang naiambag sa larangan ng sining at kultura sa lalawigan. Sa pagkakataong ito, higit pang pinagtibay ng unibersidad ang malaking ambag ng BAGSIK bilang haligi ng malikhaing pagkilos sa Batangas.
Sa kanilang mensahe ng pasasalamat, binigyang-diin ng BAGSIK ang suporta ng kanilang mga katuwang tulad nina Hon. Mem. Emmanuel Rigoberto Tolentino, Lucille D. Evangelista, at Luther Eroa, na naging mahalagang bahagi ng pagkamit ng karangalang ito.
Bilang bahagi ng seremonya, binigyang-parangal din sa sining biswal sina Remo Valenton (kasalukuyang Pangulo ng BAGSIK), Engineer Loriel โYelcastโ Castillo, at Lino Acasio bilang pagkilala sa kanilang personal na kontribusyon sa sining.
Pinarangalan din ang iba pang miyembro ng grupo na sina Airon Sire Adan at Janselwyn Retrita, na kasalukuyang mga mag-aaral ng unibersidad, para sa kanilang tagumpay sa kani-kanilang larangan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Lipa
Batangas City