Baras Rural Development High School
05/12/2025
BALITANG PAMPAARALAN | Baras RDHS Math-Dokyu Team, Top 5 sa Regional Math Fair 2025
Nasungkit ng Math-Dokyu team ng Baras RDHS ang ikalimang puwesto sa Math Dokyu (Video Production of Best Numeracy Intervention Program/Project – Secondary) sa Regional Math Fair Year 5 na ginanap sa Sorsogon City noong Disyembre 4-6, 2025.
Kinatawan ng Baras RDHS ang lalawigan sa pangunguna ng mga g**o sa Matematika na sina Zoren I. Anonuevo, Ma. Teresa Camacho, Domingo Tayam, at John Charles Sabiano. May temang “Bikolanong Mathinik: Angat ang Galing” ang patimpalak na idinaos sa Sorsogon State University Laboratory High School sa pakikipag-ugnayan ng Department of Education Sorsogon City.
Ginanap sa SorSU College of Business and Management Building noong Disyembre 5 ang mga patimpalak sa iba’t ibang kategorya gaya ng Math Quiz, Math Dokyu, E-Modulo, Art Design, Math Device, Math Puzzles, at Math Games. Samantala, idinaos ang awarding ceremony noong Disyembre 6 sa Sorsogon Provincial Gymnasium.
Tinatayang 800 kalahok mula sa 13 Schools Division Offices sa buong Bicol ang lumahok sa taunang patimpalak, na naglalayong palakasin ang numeracy programs, magbigay-daan sa benchmarking ng mga paaralan, at ipakita ang husay ng mga mag-aaral at g**o sa larangan ng Matematika.
Sa nakalipas na limang taon, malinaw na naipamalas ng Baras RDHS Math-Dokyu team ang kanilang patuloy na kahusayan at dedikasyon sa larangan ng numeracy intervention.
Noong 2021, nakamit nila ang unang puwesto, na nagbukas ng kanilang pintuan upang ipamalas ang kanilang kakayahan at inobasyon sa paggawa ng Math Dokyu. Sinundan ito ng ikaapat na puwesto noong 2023, bagama’t bumaba sa naunang ranggo ito ay nagpakita ng kanilang patuloy na kompetitibong presensya sa rehiyon. Samantala, hindi naman sila nakadalo sa sumunod na taon dahil sa matinding bagyo, na nagdulot ng pansamantalang pagkaantala sa kanilang partisipasyon. Sa kanilang pagbabalik nitong 2025, muling nakabalik sa Top 5 na pinakamahusay na kalahok sa rehiyon ang pangkat matapos makuha ang ikalimang puwesto.
Dahil sa magandang ipinapakita ng pangkat sa dibisyon at rehiyonal na patimpalak ay hinikayat ni Juan S. Torreja ang mga kalahok na ipagpatuloy pa ang tagumpay sa tulong at suporta ng paaralan.
Para kay Ma. Teresa Camacho/Guro III sa Matematika ng Baras RDHS, na unang beses na nagsilbing video presenter, isang mahalagang personal na tagumpay ang panalong ito.
“Sobrang ogma. Grateful ta dae kami maparibod na maeng award. Hesitant ako dati na maging presenter pero maulag mag-motivate si Sir Z, and thankfully nagbunga ning alog kaining success,” ani niya.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Zoren I. Anonuevo, team head, sa suporta ng paaralan. Binigyan-diin din niya ang kahalagahan ng kolaborasyon at kooperasyon ng bawat isa sa tagumpay ng isang gawain.
“Nakipagbanggaan po ang Baras RDHS sa mas malalaking Division at City Division. This only shows that with collaboration and cooperation, we can really put our school at the pinnacle of excellence! Salamat sa lahat ng sumuporta, lalo na sa mga guwardiya na kaiba-iba mi pirmi sa pag-oovertime.”
Labindalawang (12) dibisyon ang naging katunggali ng paaralan sa kompetisyon ng Math-Dokyu sa rehiyonal na patimpalak. Kaya naman para sa pangkat, hindi magiging posible ang tagumpay na ito kung wala ang matatag na suporta ng paaralan at pamunuan.
Artikulo ni Mia Samantha Tanael
Larawan ni John Charles Sabiano
03/07/2025
🎉✨ Congratulations, Iskolar ng Agham! ✨🎉
We proudly celebrate our very own Jovelyn Lopez Tayam and Ma. Eloisa Mae Solo Tubice for qualifying as 2025–2026 DOST-SEI Undergraduate Scholars! 🧠🔬
Your hard work, dedication, and passion for science and technology have truly paid off. You are an inspiration to the entire Baras RDHS community! 💙💛
Continue to shine and reach greater heights in your journey as future scientists and innovators! 🚀👩🔬👩🎓
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Baras
4803
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |