Balayan News Today

Balayan News Today

Share

We aim to re-engage with society, upholding integrity and providing unbiased, people-centered news.

25/08/2025

Ayon sa mga datos na nakalap ng Balayan News Today, ang Alpha & Omega Gen. Contractor and Development Corp. na pagmamay-ari ng pamilyang Discaya, ay isa sa mga nakatanggap ng malaking kontrata para sa proyektong pang-flood control sa Binambang River sa bayang ito, na agad nasira makalipas lamang ang ilang taon.

Ayon sa mga naitalang datos, ang kumpanya ay nakatanggap ng halagang P88 milyon noong 2022 para sa nasabing proyekto. Subalit, sa halip na maging solusyon sa pagbaha, ang riverbank protection project ay maagang nagiba at nabigo na pigilan ang pag-apaw ng tubig sa mga karatig-barangay, partikular sa Poblacion.

Ang nasabing kumpanya ay kabilang sa 15 contractors na nakatanggap ng kabuuang P100 bilyon — o 20% ng pambansang budget para sa flood control projects — mula Hulyo 2022 hanggang Mayo 2025 .

Kumpirmado sa mga dokumento ng Securities and Exchange Commission (SEC) na si Sarah Discaya ang pangulo ng Alpha & Omega, habang ang kanyang pamilya ay may-ari rin ng St. Timothy Construction Corp., na pangatlo sa listahan ng mga pinakamalaking kontratista ng gobyerno para sa proyektong pang-kontrol sa baha .

Sa isang pahayag, iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na "nakababahala" ang natuklasan ukol sa pagkakaloob ng mga proyekto sa iilang kumpanya. Binanggit din niya na marami sa mga flood control projects ay "maayos na nagawa ngunit gumuho" at ang iba ay "naging guni-guni lamang".

Naglabas na ng pahayag ang koalisyon ng Mayors for Good Governance, na pinamumunuan ni Pasig City Mayor Vico Sotto, na nagsusulong ng transparency sa pagpapalabas ng mga dokumento ukol sa mga flood control project, kabilang ang Program of Work, Bill of Quantities, at pangalan ng mga kontratista.

Hanggang sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga Discaya ukol sa mga paratang ng korapsyon at sub-standard na mga proyekto.

Sources:

sumbongsapangulo.ph

https://newsinfo.inquirer.net/2094218/vico-sotto-discayas-own-2-of-top-15-firms-in-govt-flood-control-deals

https://www.rappler.com/philippines/top-flood-control-contractors-mentioned-marcos-links-politicians-zaldy-co-discaya/

Want your business to be the top-listed Media Company in Balayan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Balayan