Immaculate Conception Parish - Puerto Rivas

Immaculate Conception Parish - Puerto Rivas

Share

16/02/2026

π’π”ππŽπ† 𝐒𝐀𝐋𝐀

Sa diwa ng taimtim na paghahanda para sa Panahon ng Kuwaresma, malugod naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa banal na pagdiriwang ng Sunog Sala o pagsusunog ng mga lumang palaspas.

Ito ay gaganapin sa ika-17 ng Pebrero 2026 (Martes) pagkatapos ng Banal na Misa na gaganapin ng alas-5:30 ng hapon. Ang pagsusunog ng mga palaspas ay isasagawa sa patyo ng simbahan bilang paghahanda sa paggunita ng Miyerkules ng Abo.

Nawa’y magsilbi itong paanyaya sa bawat isa na magnilay, magsisi, at higit na mapalalim ang ating pananampalataya.

30/01/2026

Malugod naming inaanyayahan ang lahat na maging saksi sa Pagdalaw at Paglibot ng ating Mahal na Patrona, Nuestra SeΓ±ora de la Inmaculada ConcepciΓ³n, bilang pakikiisa sa banal na paglalakbay patungo sa Our Lady of the Pillar Parish, Morong, Bataan, upang ipagdiwang ang pananampalataya at maghatid ng masaganang biyaya sa sambayanan.

Isasagawa ang Banal na Misa sa Araw ng Linggo, ika-1 ng Pebrero, ganap na alas-2:00 ng hapon, na pangungunahan ng Lubhang Kagalang-galang na si Obispo Jun Sescon ng Diyosesis ng Balanga. Ito ay susundan ng Maringal na Prusisyon sa ganap na alas-4:00 ng hapon bilang bahagi ng pagdiriwang.

Inaanyayahan ang bawat isa na makibahagi sa banal na gawaing ito at samahan ang sagradong imahen ng ating Patrona sa 10th Morong Marian Procession, bilang pagpapahayag ng ating debosyon, pagkakaisa, at taos-pusong pananampalataya.

Viva la Virgen!

31/12/2025

December 31
π‘―π’‚π’‘π’‘π’š π‘©π’Šπ’“π’•π’‰π’…π’‚π’š
Rev. Fr. Sylvester Robert James Ma. V. Bay, MMHC

MMHC- Bataan

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Balanga?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


J. P. Rizal Street Puerto Rivas Ibaba
Balanga
2100