Pastor Derick Circuit Rider

Pastor Derick Circuit Rider

Share

16/02/2025

Minsan ba natanong mo na ang Diyos kung napapangiti mo pa Siya?

Madalas kasi tayong mga tao after tayo lagi sa mga bagay na mag papasaya sa atin.

Sa mga prayers natin puro:

"Lord, gusto ko nito sana ibigay mo na"
"Lord, sana matanggap ako sa trabaho"
"Lord, sana makapasa ako sa exam"
"Lord, sana siya na po"

Kung mapapansin mo lahat ay after sa kaligayahan mo. Pero wait, hindi ko sinasabing mali ang mga ito -- there's nothing wrong with that okay.

Pero minsan ba sumagi na sa isip mo na sabihin sa Panginoon ang mga bagay na ito?

"Lord, doon ako sa gusto at will Mo sa buhay ko"
"Lord, susunod ako sa lahat ng sasabihin Mo"
"Lord, gusto kita mapangiti. Kaya do whatever you want in my life"

I guess hindi lahat ganito ang panalangin. But I hope dumating ka sa point ng buhay mo na gusto mo naman mapasaya at mapangiti ang Panginoon.

Sa dami ng ginawa ng Diyos sa atin, sana gustuhin mo naman na mapangiti Siya. Sana gustuhin natin ang mga bagay na gusto Niya para sa atin.

You know what, He's not KJ. Sa totoo lang gustong-gusto ng Diyos na makita kang masaya. Pero sana gustuhin mo rin mapasaya Siya.

Hindi naman kailangan bongga. Yung umupo ka lang at mag bigay ng oras sa Kaniya, for Him ENOUGH na yun. Makasama ka lang Niya kahit ilang minuto o kahit isang oras masayang-masaya na Siya. Buksan mo lang ang Bible mo, basahin at aralin ito masayang-masaya na Siya.

Hindi kailangan ni Lord ng matitinding gift or efforts to make Him smile.

Ang nais ng Diyos ay simple lang:
- Oras mo at puso mo. 💛

Yung kahit sobrang busy ka pero nag bigay ka ng oras sa Kaniya believe me, NAPANGITI MO ANG DIYOS non.

At alam mo ang pinaka the best sa Panginoon kapag ginawa mo ito, pasasayahin ka rin Niya. Yung joy na sa Kaniya mo lang matatagpuan.

Kapatid, iba kapag napangiti mo ang Diyos.
Iba kapag na-please mo Siya. Iba kapag sumunod at nakinig ka sa Kaniya. I-B-A, Dahil iba rin Siya mag pasaya.

Kaya sana at the end of the day ang maging goal mo ay MAPANGITI ang Panginoon. :))
----
"Lord? Napapangiti pa ba kita? Kasi kung hindi na IBALIK MO AKO sa umpisa. Mas gugustuhin kong bumalik sa umpisa kaysa mag patuloy ng hindi kana napapasaya"😭😭😭🙌
---
Note: This post is not about doing good works to please God. Because we, as humans, are incapable of doing so. It's only through the finished work of Jesus Christ. This is just about desiring to make him happy because of his goodness and faithfulness in our lives. May gawin ka man o wala, hindi mag babago ang pag-ibig ng Diyos sayo dahil sa ginawa ni Kristo sa cross. But God appreciates you when you desire to make Him happy (because again, you experience His goodness and faithfulness)😊

God bless. Shalom.🌻

08/01/2025

Ganda ng mensahe 🦅💪😊

Ang kaisa isahang ibon na nagtangkang tumuka sa isang agila ay ang uwak..

Nag land siya sa likod ng agila, at tutukain sa leeg ang agila.

PERO! Hindi lalaban ang agila. Hindi niya uubusin ang lakas niya, para lumaban sa uwak..

Sa halip, ibubuka niya ang kanyang pakpak at lilipad siya ng mataas.

Mas mataas, mas maganda!

Habang pataas ng pataas, ang agila.. pahirap ng pahirap para sa uwak ang huminga...

Hanggang sa mahuhulog na lang ang uwak dahil naubusan ng oxygen at mamatay...

Sayo na nagbabasa nito

May mga bagay, pangyayari or even mga tao na pipilitin kang bumagsak.. Hihilahin ka pababa at susubukan kang ibagsak...

Alam mo, wag mo uubusin lakas at oras mo sa kanila.

Lipad ka ng mas mataas pa! Mangarap ka ng mas mataas pa!

Eventually, kusa silang malalaglag.

LABAN PARA SA PANGARAP HUWAG PAAPEKTO LALO NA SA MGA NEGATIBONG TAO.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Baguio City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Baguio City
2600