The Good Stuff
25/09/2025
“BOSS, KINSE ’YAN!” – BERSAMIN MAY 15% CUT?
Isang mabigat na paratang ang bumulaga sa Senado matapos isiwalat ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na umano’y may hiningi ang DepEd Undersecretary Trygve Olaivar na 15% cut mula sa ₱2.85 bilyon na proyekto, para raw kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Sa kanyang affidavit, ikinuwento ni Bernardo na ipinatawag siya ni Olaivar noong 2024 upang talakayin ang mga “Unprogrammed Appropriations para sa Office of the Executive Secretary.” Inatasan daw siyang magpasa ng listahan ng proyekto, na inihanda ng Bulacan 1st DEO sa halagang ₱2.85 bilyon.
Nang iabot niya ang dokumento, malinaw umano ang bilin ni Olaivar:
“Boss, kinse ’yan.”
Pagkaraan, lumabas ang Special Allotment Release Order (SARO) para sa mga proyekto. Ayon kay Bernardo, regular na kinokolekta ni Engr. Alcantara ng Bulacan DEO ang naturang porsyento at siya naman ang nagdadala kay Olaivar sa Magallanes, Makati at iba pang lugar.
Mariing itinanggi ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang paratang. Giit niya:
“I deny the imputation… The imputation is not true.”
Binigyang-diin ni Bersamin na walang kaugnayan ang kanyang opisina sa budget ng DPWH at wala rin siyang koneksyon kay Olaivar.
25/09/2025
BREAKING: “NABANGGIT NA YUNG AMO NI SOTTO SA SENATE HEARING” – BARZAGA
Yan ang diretsahang reaksyon na ibinato ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga matapos mabanggit sa Senate Blue Ribbon Committee hearing ngayong Huwebes, Setyembre 25, ang pangalan ni dating House Speaker Martin Romualdez na tila pasaring din kay SP Tito Sotto.
Ang pahayag ay kasunod ng testimonya ni Orley Regala Guteza, dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines na nagsabing naging security aide umano siya ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co. Sa kanyang salaysay, inamin ni Guteza na regular siyang nagdadala ng mga maleta na tinatawag nilang “basura” — bawat isa umano’y naglalaman ng hanggang ₱48 milyon cash.
Dagdag pa ng testigo, hindi lang si Co ang nakikinabang, kundi maging si Leyte Rep. Martin Romualdez na umano’y madalas makatanggap ng maletang puno ng pera. Ayon sa kanya, tatlong beses kada linggo kung minsan naipapadala ang mga maletang ito sa tahanan ng dating Speaker.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Bacoor
4102