ALPAS

ALPAS

Share

Mobile uploads 15/04/2026

๐Ÿƒ๐Ÿƒ๐Ÿƒ

Photos from ALPAS's post 15/04/2026

๐ˆ๐’๐“๐Ž๐‘๐˜๐€ ๐๐€๐’๐”๐‘๐€: ๐™๐„๐‘๐Ž ๐–๐€๐’๐“๐„, ๐Œ๐€๐Š๐€๐Š๐€๐˜๐€!

Nakibahagi ang mga kasapi ng ALPAS sa isang pampublikong Forum tungkol saโ€œIstorya Basura Rethinking Bacolodโ€™s Waste Solutions: A Public Forum on Waste-to-Energy, Zero Waste, and Sustainable Alternativesโ€ na ginanap sa Function Hall ng Middle Town Inn, ika-15 ng Abril 2026.

Sinimulan ang programa sa Panalangin, Pambansang awit, at Pambungad na Pananalita na pinangunahan ni G. Joshua Villabos, Secretary General ng Negrosanon Initiative for Climate and the Environment (NICE).

Sunod ay kaniyang pinakilala ang unang tagapagsalita na si Katherine Dela Cruz, Local Situationer sa Waste Problem sa Lungsod ng Bacolod. Ibinahagi niya ang ilang problema na kinahaharap ng lungsod, partikular sa layunin tungkol sa basura at tinapos ang kaniyang pagbabahagi sa pagtalakay ng sistema ng basura sa lungsod ng Bacolod.

Bukod pa roon, ibinahagi naman ng ikalawang tagapagsalita na si Dr. Jorge Emmanuel, Environmental Science Specialist sa teknolohiya, plastik at pulosyon sa WTE, ang patungkol sa Waste-to-Energy (WTE) o mga paraan kung paano nakapagbibigay ng enerhiya mula sa basura. Gayunpaman, tinalakay rin niya ang mga negatibong epekto na makakapagdulot ng panganib sa kalusugan, at kung paano ang mga ito nananatili nang mahabang panahon.

Panghuling nakibahagi ay si G. Froilan Grate, Executive Director ng GAIA Philippines, patungkol sa Zero Waste System kung saan binigyang diin niya na ang Zero Waste ay hindi ibig sabihin na "Walang Basura", kundi nangangahulugan itong walang matatapon o "Wala Usik". Kanya ring ibinahagi ang mga batas at aksyon na pinatupad ngayon at nagawa na ng ilang lungsod sa bansa na nagpakita ng mga makabuluhang pagbabago.

Nagpatuloy ang diskusyon sa pagsagot sng mga katanungan at mungkahi mula sa mga dumalo, kanilang ibinahagi rin ang kanilang mga alalahanin at ideya.

Nagtapos ang programa sa pasasalamat at paghimok sa mga dumalo na pangunahan ay patatagin ang programang Zero Waste sa kaniya-kaniyang pamayanan. Ito ay isang makabuluhang pagkakataon sa mga kasapi ng ALPAS dahil ito ang nagsilbing pamulat sa papel na gagampanan ng samahan sa pagtataguyod ng kalikasan at ng mga Pilipino.

18/03/2026

Isang taos-pusong pagbati sa aming huwarang pangulo, ๐๐š๐ฃ๐ข๐› ๐Œ. ๐‘๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐š, sa kanyang mga natamong parangal! Ang mga karangalang ito ay malinaw na patunay na ang bawat tagumpay ay bunga ng tiyaga at pagsisikap. Kasabay nito, binabati rin namin ang buong ๐˜ผ๐™‡๐™‹๐˜ผ๐™Ž sa tagumpay na ito sapagkat hindi ito maisasakatuparan kung wala ang suporta at dedikasyon ng bawat isang miyembro. Lubos namin kayong ipinagmamalaki sa pagkamit ng mga sumusunod na parangal:

๐Ÿฆ… St. Ambrose Service Award for Club/Organization President
๐Ÿฆ… St. Augustine Academic Club Award
๐Ÿฆ… St. Alypius Outstanding President Award

25/02/2026

Pebrero 25 | ๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿฐ๐Ÿฌ ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—˜๐——๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—˜๐—ข๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—ช๐—˜๐—ฅ ๐—ฅ๐—˜๐—ฉ๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

Ngayong ika-40 anibersaryo ng ๐„๐ƒ๐’๐€ ๐๐ž๐จ๐ฉ๐ฅ๐ž ๐๐จ๐ฐ๐ž๐ซ ๐‘๐ž๐ฏ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง, ginugunita natin ang lakas ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipinoโ€”isang makasaysayang tagumpay na nagpatunay na ang kapangyarihan ay tunay na nagmumula sa taumbayan. Ipinakita ng EDSA na sa tapang, paninindigan, at sama-samang pagkilos, kayang itaguyod ang demokrasya at ipaglaban ang kalayaan.

Nakikiisa ang ๐˜ผ๐™‡๐™‹๐˜ผ๐™Ž sa pag-alala sa diwa ng EDSAโ€”ang diwa ng pagkakaisa, katotohanan, at malasakit sa bayan. Nawaโ€™y manatili sa ating puso ang aral ng kasaysayan at magsilbing gabay sa patuloy nating pagsulong tungo sa mas makatarungan at maunlad na lipunan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Bacolod?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Lizares
Bacolod
6100

Opening Hours

Monday 8am - 6pm
Tuesday 8am - 6pm
Wednesday 8am - 6pm
Thursday 8am - 6pm
Friday 8am - 6pm