Kabataan ni San Luis Rey
18/06/2026
SENTIRE CUM ECCLESIA!
Ang Sambayanan at Parokya ni San Luis na Hari ay malugod na tinatanggap ang Lub. Kgg. Dave Dean Capucao, D.D. - Obispo ng Prelatura ng Infanta para sa kanyang Pastoral na Pagdalaw sa darating na June 20, 2026 (Sabado).
Halina at makiisa sa pagsalubong sa ating Pastol nang may kagalakan at mainit na pagtanggap sa kanyang presenya at tanggapin ang biyaya ng kanyang pagdating.
Inaanyayahan ang lahat na magsuot ng kulay dilaw na damit at tignan ang programa ng Pastoral na Pagdalaw ng ating mahal na obispo.
15/06/2026
Isang taon ang nakakalipas buhat ng biglaang pagkawala ng ating Parochial Vicar, Rev. Fr. Mario Angelo Ortiz o Fr. Mar kung tawagin ng karamihan, nananatili siyang buhay sa mga alaala at kuwento ng mga nakasama niya sa paglalakbay bilang isang Pari at kaibigan.
Bukas (June 16), magkakaroon ng Banal na Misa para sa paggunita ng kanyang 1st Death Anniversary sa ganap na 7:30 ng Umaga (7:30 AM).
Patuloy natin ipagdasal at alalahanin sa ating mga puso si Fr. Mar.
11/06/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Telephone
Website
Address
National Highway, San Luis
Aurora