VerDeMa.Ne

VerDeMa.Ne

Share

10/05/2026

Liwanag ng Buhay
✍🏻 VerDeMa.Ne

Panghinaan man,
Ngunit magiging panandalian,
Sapagkat palaging may dahilan,
Na nagsisilbing liwanag sa daan.

Ilaw ng tahanan, iyan ang iyong ngalan,
Liwanag ay palaging lulan,
Mauupos man ngunit hindi susuko sa laban,
Higit sa lahat, mang-iiwan.

Inang nagsilang, nasa iyo ang tapang,
Tapang na 'di mapapantayan ninuman;
Nasa iyo ang walang kapantay na paggalang,
Lahat ng makamit ay ikaw ang puno't dahilan.

Ina, sa aki'y halaga mo'y walang papantay,
Ikaw ang tunay na liwanag ng buhay,
Higit ka pa sa sapat,
Ang masasabi ko lang, maraming salamat.


#16

06/05/2026

Boarding House
✍🏻 VerDeMa.Ne

Mag-isa sa isang kwarto,
Dito sa boarding house na bagong tahanan ko.
Sinasarili ang lahat,
Luha ay kusang pumapatak.

Nakakabinging katahimikan,
Kahit sa isang kwarto ay may naninirahan,
Ingay ng clip fan,
Ang nagpapaalala sa isang bagay na 'di maunawaan.

Dating mga kasama dito,
Minumulto ng kanilang ingay;
Double deck nilang puno,
Ngayo'y alikabok ang tagabantay.

Sa boarding house natutunan,
Na 'di habambuhay ay nasa ganito o ganoon tayong kalagayan.
Boarding house ang nagpapaalala,
Na dadating tayo sa puntong hindi inaakala.

Boarding house ay isang paalala,
Na bago ako dumating ay may nauna.
Pinapaalalang may dumadating at umaalis,
Tulad ng ikot ng buhay na hindi namimintis.

21/04/2026

Kung may Kwarta
✍🏻 VerDeMa.Ne

Hindi mapunggan ang pin-ut kang tagipusuon,
Makita ang sitwasyon namun.
Kwarta ang may bahol nga dara,
Paagto sa tuod nga kasadya.

Bukot kompleto akun pamilya,
Pero kung kami mag-imaway tama ka gahud kag tuod ang ginabatyag nga kasadya,
Tuod gid man ang hambal nanda,
Nga hindi mabakal kang kwarta ang kasadya.

Pero hindi matablog ang pero,
Nga umpisa pa lang dara dara ko,
Pero lain gid nga may kwarta ang sangka tawo,
Wara ti mabatian nga sayud, wara ti sakripisyo, kag wara ti gamo.

Kung may kwarta, hilway ang sangka panimalay,
Kung may kwarta, di run kailangan mag-away.
Sakit sa tagipusuon nga sara lang gabaka baka obra,
Sakit matian ang ana mga tinaga antis magtugro kang kwarta.




-a

20/04/2026

Change
✍🏻 VerDeMa.Ne

Don't get shocked,
When suddenly I will be different;
Don't expect for the comeback,
Of the old one that meant and dreamt.

Didn't meant anything,
This isn't only something I dreamed;
Think this change for something,
Just don't blamed.

Relationship maybe ruined,
It's better that in this way;
Because it's hard to be in something that makes you drained,
Toxic and plastic taking your peace away.

Wearing mask and pretending is hard,
Always choose happines and freedom;
Go and take your card,
Change for your own good that always seldom.

19/04/2026

Pipiliin
✍🏻 VerDeMa.Ne

Nahuhulog ngunit hindi magpapahulog,
Hinubog ng buhay kaya tuluyan ng kinabog.
Desisyong pinili at tiniyak,
Nang sa ganoon hindi pumalpak at maging masakit ang bagsak.

Naranasan na ang maging sa baba,
Kung saan ang tingin ay para bang kinakawawa.
Hindi na babalik ngunit ang paa magiging ganoon pa rin,
Sapagkat naranasan na kaya mas pipiliing mabuting daan ang tatahakin.

Pipiliing ang makakabuti sa sarili't lahat,
Tinging makakasagabal ay hindi na dapat.
Kaya ngayon pa lang ay dapat alam na,
Mga susunod na hakbang tungo sa magandang pahina.

Pipiliin sa lahat ang may pahinga, komportable, hindi na mamomroblema, at puro sarap.
Sapagkat buhay ay iisa at galing na sa hirap,
Kaya pag-iba sa ikot ng buhay at maging masaya ay hindi lang basta pangarap,
Ito ay desisyon, pipiliin, at tutuparin gaano man kahirap.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Antique?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Antique