Iman

Iman

Share

03/12/2025

Lahawla’ wa la quwwata illa billah‚ ibang niqabi ngayun nag t’tiktok na astag!!

03/12/2025

Isang lalaki, 7 years na kulong dahil sa pagnanakaw ng sandaang milyones 🥹💔
After 2 years niya sa loob, may sulat siyang natanggap galing sa Tatay niya:

“Anak, matanda na ako at may sakit. Ito na ang taniman, wala akong kasama mag-araro at magtanim ng mais. Sana nandito ka para tulungan ako. Ingat ka palagi.”

Sumagot ang anak:
“Tay, WAG na WAG po muna kayong maghukay sa bukid. Doon ko po tinago lahat ng perang ninakaw ko. Hintayin niyo na lang po akong lumabas.”
Siyempre, binabasa ng mga guard ang lahat ng sulat sa kulungan.

Kaya kinabukasan, more than 100 na pulis at guard ang dumating sa farm ng Tatay! Hinukay nila BAWAT SULOK ng lupa, pero WALANG NAKITA.
Sumulat ulit ang anak:

“Dear Tatay, sana nag-enjoy ka sa tulong na pinadala ko. Puwede na po kayong magtanim ng mais ngayon.” 😂 🤣

CTTO

10/10/2025

SUBHANALLAH ngayong araw ng Jum'ah dalawang beses ng nag LINDOL gabayan nawa tayo ng allah.🤲😥

28/09/2025

KUMATOK LANG NG 3X AT KAPAG WALANG SUMAGOT AY HUWAG NG SUMILIP PA❗❗❗

👉Kung kayo ay kumatok o bumati ng Salam ng 3x at walang nagbukas ay mainam sa inyo na umuwi at huwag ng tumuloy

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang biyaya at kapatayapaan): “Kapag nagpaalam ang isa sa inyo (kumatok ng pinto) ng tatlong beses ay hindi siya pinayagang puma*ok (o hindi binuksan), mainam sa kanya na umuwi (bumalik)” Inulat nila Imam Albukhari at Muslim

👉 Sinabi ni Imam Malik:
“Ang paghingi ng pahintulot sa pagpa*ok ay tatlong beses lamang maliban lamang kung hindi narinig ng nasa loob ng tahanan”
Kapag sinabi nila na kayo ay umuwi, mainam na kayo ay umuwi at ito ay mas mainam sa inyo (dalisay) ayon sa kautusan na nasasaad sa Qur'an

👉👉Huwag pong Sumilip sa loob kapag hindi pinapa*ok o kahit pinapa*ok pa ay huwag din paikutin ang mata sa loob ng mga silid

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: "Hindi nararapat sa sinuman na tumingin sa loob ng tahanan ng iba maliban sa ito ay may pahintulot. Kung siya ay tumingin (ng walang pahintulot), Katunayan siya ay nagkasala" Authentic na Hadith

DAGDAG KAALAMAN:

♦️ Kabilang sa magandang asal sa Islam ay huwag magtanim ng sama ng loob kung ikaw ay hindi pinapa*ok, dahil maaaring hindi mo batid kung ano ang kanilang kalagayan.

Maaaring sila ay:
a-Natutulog
b-Sila ay nag-aayuno
c-May karamdaman
d-May bisitang iba
e-May pagtuturo o pag-aaral
f- Sila ay abala
g- Hindi nila nais na makita mo ang loob ng kanilang tahanan na hindi maayos dahil sa biglaan pagbisita at marami pang ibang kadahilanan.

♦️ Ang pinaka mainam sa lahat bago magbisita ay may paunang paalam upang hindi mabigla ang taong bibisitahin!

♦️ Kabilang sa masamang pag-uugali ang biglaang pagpa*ok sa tahanan na hindi alam ng may ari na ikaw ay puma*ok kahit pa man sila ay malalapit nating kamag-anak dahil maaaring may mga bagay na hindi kanais-nais na ating makita sa kanila

PINAGKUHANAN SA USAPIN:
حديث: "إذا استأذَنَ أحدُكمْ ثلاثًا فلمْ يُؤذَنْ لهُ فلْيرجِعْ." متفق عليه

✍️ Zulameen Sarento Puti

04/09/2025

MGA KAPATID Sa ISLAM MAKINIG ❗❗❗
Huwag Na Wag ITONG GAGAWIN 👇❗
Sa kabilang buhay ipaparusa ito sa tao at uutusan siyang lagyan ito ng buhay, at kapag hindi niya nagawa ay ipaparusa sa kanya sa impyerno at matinding parusa ang naghihintay sakanya

Sinabi ng mahal na propeta saw:
«إنَّ أشدَّ النَّاس عذابًا يومَ القيامةِ المصوِّرون»
— رواه البخاري (5954) ومسلم (2109).
"Katotohanan ang labis na pinaparusahan ay yaong mapag gawa ng imahe"

Sinabi pa ng rasullollah saw:
«كُلُّ مُصَوِّرٍ في النَّارِ، يُجْعَلُ له بكلِّ صُورةٍ صوَّرَها نفسٌ، فَتُعذِّبُه في جَهنَّمَ»
— رواه البخاري (5950) ومسلم (2109)
"Lahat ng gumagawa ng imahe ay mapapa*ok sa ipyerno, at uutusan sa bawat imahe na ginawa niya
Na lagyan niya ito ng buhay, at kapag hindi niya nagawa ay ipaparusa ito sakanya sa ipyerno"

04/09/2025

‼️‼️𝗠𝗔𝗕𝗜𝗚𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗡𝗔𝗡 (𝟰𝟭)‼️‼️

"𝘼𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙎𝙒𝙀𝙀𝙍 التصوير"

𝐈𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐬𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚 𝐨 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐥𝐨𝐤 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐢𝐦𝐚𝐡𝐞𝐧 𝐨 𝐫𝐞𝐛𝐮𝐥𝐭𝐨 𝐭𝐮𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐮𝐤𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠-𝐠𝐮𝐡𝐢𝐭 𝐨 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐦𝐛𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐭𝐮𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨 𝐨 𝐡𝐚𝐲𝐨𝐩.

Itinuturing din ito sa Islam bilang napakabigat na kasalanan,

🔸sinabi ng Propeta (ﷺ):

"إن أشدّ الناس عذاباً عند الله يوم القيامة المصورون." متفق عليه.

"Tunay na ang parurusahan ng Allah nang pinakamatinding parusa sa kabilang buhay ay ang mga taong naglililok o gumuguhit ng mga larawan." [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

🔸At sinabi ng Allah sa Hadith Al Qudsie:

"ومن أظلم ممن ذهب يخلق خلقا كخلقي، فليخلقوا ذرة أو ليخلقوا حبة أو ليخلقوا شعيرة." رواه مسلم.

"At sino pa ang mas makasalanan sa taong ginagaya ang Aking paglikha? Kung gayon ay hayaan silang lumikha nang kahit isang binhi lang man!" [Isinalaysay ni Muslim].

🔸At sinabi ng Propeta (ﷺ):

"إن الذين يصنعون هذه الصور يعذبون يوم القيامة، يقال لهم: أحيوا ما خلقتم." رواه البخاري.

"Tunay na ang mga taong gumagawa ng mga larawan na ito ay parurusahan sa kabilang buhay, at sasabihin sa kanila na buhayin ninyo ang inyong mga nilikha." [Isinalaysay ni Bukhari].

🔸Kanya ring sinabi ﷺ:

"من صور صورة في الدنيا كلف أن ينفخ فيها الروح وليس بنافخ." متفق عليه.

"Sinuman ang gumawa ng larawan dito sa mundo ay uutusang bigyan ito ng buhay sa kabilang buhay, at hinding hindi niya magagawa." [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

🔸Kanya pang sinabi ﷺ:

"كل مصور في النار يجعل له بكل صورة صورها نفسا تعذبه في جهنم." رواه مسلم.

"Lahat ng gumagawa ng mga larawan ay sa Impiyerno, at siya ay parurusahan doon katumbas nang bawat larawan na kanyang nagawa." [Isinalaysay ni Muslim].

🔸Kanya pang sinabi ﷺ:

"لا تدخل الملائكة بيتا فيه كلب ولا صورة." متفق عليه، وفي رواية لمسلم: "لا تدخل الملائكة بيتا فيه كلب ولا تماثيل."

"Hindi pumapa*ok ang mga Anghel sa bahay na mayroong a*o o mga larawan." [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim], at sa isapang pagkakasalaysay ni Muslim ay: "Hindi papa*ok ang mga Anghel sa bahay na mayroong a*o o mga Rebulto."

ANG TANONG: Pa*ok ba dito ang pagkuha ng mga litrato gamit ang Camera?

Sinabi ng karamihan sa mga Iskolar natin na pa*ok raw ito sa naturang paksa, sa pagkat matatawag din ito na "Tasweer", kaya matindi nila itong ipinagbabawal.

May ilan naman sa kanila na pinahintulutan ito, at sinasabing hindi raw ito pa*ok sa nasabing hatol.

At ito ang malapit sa katotohanan sa aking pananaw, dahil mayroon tayong pamantayan "قاعدة" sa Islam na nagsasabing:

"تُحمل نصوص الوحي على معهود الأميين في زمن الخطاب."

"Ang ibibigay na kahulugan sa mga teksto ng kapahayagan ay ang kahulugang nauunawaan ng mga Arabo sa panahon ng pagpapahayag."

Bakit? Dahil sila ang kinakausap sa panahong yaon, at hindi maaari na padalhan sila ng kapahayagan sa wikang hindi nila maunawaan, tulad halimbawa ng paksang ito, ang Camera ay wala sa kanilang panahon, kaya hindi maaari na sa kanilang panahon ay Camera ang tinutukoy sa pagbabawal ng Tasweer.

Ang alam nilang Tasweer ay paglililok at paglilimbag, kaya ito ang bawal, at ang magpapatunay nito ay ang nabanggit natin na pangalawang pagkakasalaysay sa Hadith, na sinabi ng Propeta (saw): "Hindi papa*ok ang mga Anghel sa bahay na mayroong a*o o mga Rebulto." [Isinalaysay ni Muslim].

Pangalawa: Ang dahilan ng pagbabawal sa Tasweer ay dahil panggagaya sa paglika ng Allah, tulad ng nabanggit natin kanina, at sinabi ni 'Aishah (ra) na mayroon siyang kortina na mayroong guhit na mga rebulto, kaya ipinagbawal ito sa kanya ng Propeta (ﷺ) at sinabi:

"أشَدُّ النَّاسِ عَذَابًا يَومَ القِيَامَةِ الَّذِينَ يُضَاهُونَ بخَلْقِ اللَّهِ." متفق عليه.

"Tunay na ang may pinakamatinding parusa sa kabilang buhay ay ang mga taong nanggagaya sa paglikha ng Allah." [Isinalaysay ni Bukhari at ni Muslim].

At ang panggagaya ay iiral lamang sa paglililok ng mga rebulto, at paglilimbag at pag-guhit ng mga larawan, hindi matatawag na panggagaya ang pagkuha ng mga litrato.

✍ 𝑫𝒓. 𝑴𝒖𝒉𝒅-𝒂𝒕𝒂 𝑨𝒃𝒅𝒖𝒍𝒌𝒂𝒓𝒊𝒎

===========================================

O mga Muslim!

Hindi lahat ng "USO" ay kaylangan In ka! hindi kaylangang makiuso kadin! siyasatin mo muna kung ano ang pananaw ng Islam dito dahil baka hindi mo mamalayan nakikiuso ka at nakikigaya Un pala ay dahilan ng ikakapa*ok mo sa impyerno.

Wal-iyadhu billah

04/09/2025

Ang usaping TASWEER (pagkukuha ng larawan ng may buhay) sa camera ay kabilang sa mga usapin na di pinagkaisahan ng mga ULAMA ibig sabihin may Khilaf sila rito...

Pero ang uri ng TASWEER na pinagkaisahan nilang "HARĀM" ay yaong solid na nahahawakan tulad ng nagtitrend ngayon sa pamamagitan ng AI gaya ng larawan na nasa ibaba..👇👇👇

At ito ang mariin nating binibigyang babala dahil maaring ang nasa AI ay post lamang pero maaaring totohanin na rin ng iilan kung walang magsasalita laban dito...

Upang mas maunawaan natin ito, tunghayan natin ang Hadeeth ng Sugo —sallallahu alayhi wasallam— buhat kay 'Āishah —kalugdan siya ni ALLAH—:

أنَّهَا اشْتَرَتْ نُمْرُقَةً فِيهَا تَصَاوِيرُ، فَلَمَّا رَآهَا رَسولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عليه وسلَّمَ قَامَ علَى البَابِ، فَلَمْ يَدْخُلْهُ، فَعَرَفْتُ في وجْهِهِ الكَرَاهيةَ، فَقُلتُ: يا رَسولَ اللَّهِ، أتُوبُ إلى اللَّهِ وإلَى رَسولِهِ صَلَّى اللهُ عليه وسلَّمَ، مَاذَا أذْنَبْتُ؟ فَقالَ رَسولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عليه وسلَّمَ: ما بَالُ هذِه النُّمْرُقَةِ؟ قُلتُ: اشْتَرَيْتُهَا لكَ لِتَقْعُدَ عَلَيْهَا وتَوَسَّدَهَا، فَقالَ رَسولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عليه وسلَّمَ: إنَّ أصْحَابَ هذِه الصُّوَرِ يَومَ القِيَامَةِ يُعَذَّبُونَ، فيُقَالُ لهمْ: أحْيُوا ما خَلَقْتُمْ، وقالَ: إنَّ البَيْتَ الَّذي فيه الصُّوَرُ لا تَدْخُلُهُ المَلَائِكَةُ.

Na siya (ang asawa ng Propeta ﷺ) ay bumili ng isang unan (numruqah) na may mga larawan. Nang makita ito ng Sugo ni Allah ﷺ, siya ay tumayo sa may pintuan at hindi puma*ok. At nakita ko sa kanyang mukha ang pagkamuhi, kaya sinabi ko: “O Sugo ni Allah, nagsisisi ako kay Allah at sa Kanyang Sugo ﷺ, ano bang kasalanan ang nagawa ko?”

Kaya sinabi ng Sugo ni Allah ﷺ: “Ano itong unan na ito?”
Sinabi ko: “Binili ko ito para sa iyo upang iyong maupuan at iyong magamit na sandalan.”

Kaya sinabi ng Sugo ni Allah ﷺ: “Katotohanan, ang mga may-ari ng mga larawang ito ay parurusahan sa Araw ng Paghuhukom, at sasabihin sa kanila: ‘Buhayin ninyo ang nilikha ninyo.’ At sinabi niya: ‘Ang bahay na may mga larawan ay hindi papasukan ng mga anghel.’”

[Iniulat ni Al-Bukhari at Muslim]

Samakatuwid anumang anyo ng may buhay na inukit at ginuhit ay HARĀM sapagkat pinapantayan mo si ALLAH sa paglikha kaya naman hinihikayat natin ang mga Kapatid na Muslim na huwag tangkilikin ang ganoong gawain na babangga ng tuluyan sa Sharee'ah ..Pagpalain tayo ni ALLAH at gabayan Āmeen....

Abu Ziyad Abdulrahman Caderao

22/07/2025

My limitations sa bawat kilos❗

✍️ Usman Ade

15/07/2025

Kung mamatay man ako sa murang edad o sa hindi inaasahan,
huwag kang mabigla at huwag lamunin ng kalungkutan. wag ka din magpost sa social media lalo na yung mga pictures ko na kasama kita at pahahabain mo ang caption na magsisilbing last words mo sa akin,
“it won't help” .
Ang kailangan ko sa iyo ay ang iyong kapatawaran at mga panalangin—
ipanalangin mo ako na protektahan ako mula sa parusa ng aking libingan at kaawan nawa ako ng Allah.

Wallahi .
Tanging ang iyong panalangin lamang ang makakatulong sa akin 🤲

✍🏼 Mujtaba Ibn Muhammad

09/07/2025

prayer guide

09/07/2025

“𝐃𝐔'𝐀̄ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐋𝐔𝐌𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀𝐖𝐀”

Ang mag-asawa ay dapat nilang panatilihin ang pagkakaunawaan, respeto at pagtitimpi sa kanilang pagsasama upang hindi manghina ang kanilang pagmamahalan at pagkakaisa,

At palagi sila mag du'ā sa Allah, dahil ang Shaytan ang goal niya ay mapahiwalay niya ang mag-asawa, at magkaroon sila ng Fitna.

Ito ang ilang mga magagandang du'ā sa Allah,

اللَّهُمَّ اجْعَلْ بَيْنَنَا مَوَدَّةً وَرَحْمَةً دَائِمَتَيْنِ.🤲🏻
𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩𝘶𝘮𝘮𝘢𝘫'𝘢𝘭 𝘣𝘢𝘺𝘯𝘢𝘯𝘢̄ 𝘮𝘢𝘸𝘢𝘥𝘥𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘸𝘢𝘳𝘢𝘩𝘮𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘥𝘢̄𝘪𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘯

“O Allah, gawin mong palagian ang pagmamahalan at awa sa pagitan namin.”

رَبَّنَا هَبْ لَنَا مِنْ أَزْوَاجِنَا وَذُرِّيَّاتِنَا قُرَّةَ أَعْيُنٍ وَاجْعَلْنَا لِلْمُتَّقِينَ إِمَامًا.🤲🏻
𝘙𝘢𝘣𝘣𝘢𝘯𝘢̄ 𝘩𝘢𝘣𝘭𝘢𝘯𝘢̄ 𝘮𝘪𝘯 𝘢𝘻𝘸𝘢̄𝘫𝘪𝘯𝘢̄ 𝘸𝘢𝘥𝘩𝘶𝘳𝘳𝘪𝘺𝘺𝘢̄𝘵𝘪𝘯𝘢̄ 𝘲𝘶𝘳𝘳𝘢𝘵𝘢 𝘢'𝘺𝘶𝘯𝘪𝘯 𝘸𝘢𝘫'𝘢𝘭𝘯𝘢̄ 𝘭𝘪𝘭 𝘮𝘶𝘵𝘵𝘢𝘲𝘪̄𝘯𝘢 𝘪𝘮𝘢̄𝘮𝘢̄

“O aming Panginoon(Allah)! Ipagkaloob mo sa amin mula sa aming mga asawa at mga anak ang magiging kaligayahan ng aming mga mata, at gawin Mo kaming huwaran para sa mga may takot sa iyo.”

اللَّهُمَّ أَلِّفْ بَيْنَ قُلُوبِنَا، وَأَصْلِحْ ذَاتَ بَيْنِنَا.🤲🏻
𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩𝘶𝘮𝘮𝘢 𝘢𝘭𝘭𝘪𝘧 𝘣𝘢𝘺𝘯𝘢 𝘲𝘶𝘭𝘶̄𝘣𝘪𝘯𝘢̄ 𝘸𝘢-𝘢𝘴𝘭𝘪𝘩 𝘥𝘩𝘢̄𝘵𝘪 𝘣𝘢𝘺𝘯𝘪𝘯𝘢̄

“O Allah, pag-isahin mo ang aming mga puso at ayusin mo ang aming ugnayan.”

اللَّهُمَّ أَذْهِبِ البَغْضَاءَ وَالْغِلَّ وَالْحَسَدَ مِنْ قُلُوبِنَا.🤲🏻
𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩𝘶𝘮𝘮𝘢 𝘢𝘥𝘩-𝘩𝘪𝘣𝘪𝘭 𝘣𝘢𝘨𝘩𝘥𝘩𝘢̄-𝘢 𝘸𝘢𝘭-𝘨𝘩𝘪𝘭𝘭𝘢 𝘸𝘢𝘭-𝘩𝘢𝘴𝘢𝘥 𝘮𝘪𝘯 𝘲𝘶𝘭𝘶̄𝘣𝘪𝘯𝘢̄

“O Allah, alisin mo ang galit, hinanakit, at pagkainggit mula sa aming mga puso.”

Pagpalain pa nawa ng Allah ang mag-asawa, at lalong tumibay, lumakas ang kanilang pagsasama Aameen 🤲🏻

05/07/2025

SINO SINA YA’AJUJ AT MA’JUJ?

Sina Ya'juj at Ma'juj (Gog and Magog) ay dalawang tribo ng tao o nilalang na anak ni Adam (AS) o mga apo ni adam

Sila ay napakarami, mapanira, at uhaw sa dugo.

Kilala sila sa pagiging brutal, mapanira sa
kalikasan, at mananakop.

Ayon sa hadith:

> "Sa huli ng panahon, sila ay lalabas muli at lalamunin ang buong mundo sa kanilang pagkasama."
(Sahih Muslim)

📖Kwento sa Qur'an - Surah Al-Kahf (18:92-98)

Ang Qur'an ay nagkuwento ng isang matuwid at makapangyarihang hari na si Dhul-Qarnayn.

Habang naglalakbay siya sa silangan at kanluran, narating niya ang isang lugar kung saan ang mga tao ay halos hindi makaintindi ng wika.

Nagreklamo ang mga tao:

> "O Dhul-Qarnayn! Tunay na Ya'juj at Ma'juj ay mga manggugulo sa lupa. Maaari mo ba kaming tulungan at gumawa ng harang upang maprotektahan kami mula sa kanila?"

🪨Ang Pader ni Dhul-Qarnayn

✅Si Dhul-Qarnayn ay gumawa ng napakatibay na pader sa pagitan ng dalawang bundok gamit ang:

Iron (bakal)
Molten copper (tanso)

At sinabi niya:

> "Kapag dumating ang pangako ng aking Panginoon, ito ay guguho."
(Surah Al-Kahf 18:98)

📌Ngayon - Nasaang lugar sila?

Ayon sa Propeta Muhammad (S.A.W.):
> "Araw-araw ay sinisikap nilang butasin ang pader... ngunit hindi nila ito matapos. Sa susunod na araw, pagbalik nila, ito ay bumabalik sa dati." Hanggang sa dumating ang takdang araw ni Allah -doon sila makakalabas.
(Hadith - Ahmad, Tirmidhi)

📍Saan sila?
Hindi eksaktong sinabi sa Qur'an, ngunit maraming ulama ang naniniwala na sila ay nakatago sa malalayong bundok sa hilaga o gitnang Asya, o sa isang lugar na hindi pa naaabot ng tao.

⏳Paglabas ni Ya'juj at Ma'juj - Sa Panahon ni Isa (AS)

Kapag natalo ni Prophet Isa (AS) ang Dajjal, Biglang darating ang napakalaking bilang ng Ya'juj at Ma'juj.
Sila ay magmula sa lahat ng direksyon, winawasak ang kalupaan at umiinom ng lahat ng tubig-dagat.

Magsisitakas ang mga mananampalataya.

Si Isa (AS) at ang mga Muslim ay magtatago sa bundok ng Tur.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Antipolo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Antipolo