LUDY
Good will always provide
ᩣシ
12/10/2025
Wag mong sayangin ang oras mo kakaisip kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa’yo.
Kahit gaano ka pa kabuti, may masasabi at masasabi pa rin ang tao. Minsan, kahit anong paliwanag mo, may mga taong pipiliin pa ring husgahan ka base sa sarili nilang pananaw. Kaya imbes na ubusin mo ang oras mo sa pagprotekta sa imahe mo sa mata ng iba, mas piliin mong pagandahin ang tunay mong pagkatao.
Tandaan mo, hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa lahat. Ang mga taong tunay na nakakakilala at nagmamahal sa’yo, hindi mo kailangang ipaliwanag ang bawat hakbang mo — kasi naiintindihan nila.
Live your life with peace and purpose. Focus on your growth, your happiness, and your dreams. Kapag alam mong ginagawa mo ang tama, sapat na ‘yon. Hindi mo kailangan ng validation mula sa mundo para maging totoo at masaya.
+
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Antipolo
1870