ANDAMYO

ANDAMYO

Share

๐€๐ง๐๐š๐ฆ๐ฒ๐จ is the official student publication of Antipolo Institute of Technology (AiTECH), composed of Higher Editors (Editor-In-Chief, Associate Editor, and Managing Editor), Section Editors (News, Sports, Literary-Feature, and SciTech editors), Creatives (Layout Artists, Cartoonists, and Photojournalists), and pool of writers. The student publication is committed to providing a medium for the AiT

Photos from ANDAMYO's post 19/10/2025

๐—˜๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐—บ ๐—ผ๐—ณ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐˜€ โ€” ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—”๐—ก๐——๐—”๐— ๐—ฌ๐—ข ๐—•๐—ผ๐—ผ๐˜๐—ต ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ถ๐˜๐˜€!

Writers, dreamers, and storytellersโ€”your magical journey begins at ๐“๐€๐†๐ˆ๐๐“๐ˆ๐๐† 2025!
Step into the ๐€๐๐ƒ๐€๐Œ๐˜๐Ž ๐๐จ๐จ๐ญ๐ก, where creativity burns bright and every word holds a spark of spellbound power. โœ๏ธ๐Ÿ”ฅ

โœจ ๐“๐ก๐ž ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐ฅ ๐‚๐ก๐š๐ฅ๐ฅ๐ž๐ง๐ ๐ž โ€” โ€œWrite Your Magicโ€
Draw from the Mystic Quill Jar and let your words enchant parchment and paper.

๐Ÿ“ฐ๐‡๐จ๐ฎ๐ฌ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐‡๐ž๐š๐๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ โ€” โ€œBreak the Spell with a Story!โ€
Spin tales from enchanted headlines and cast your charm through wit and storytelling.

๐Ÿ—๏ธ๐“๐ก๐ž ๐„๐๐ข๐ญ๐จ๐ซโ€™๐ฌ ๐๐ฎ๐ž๐ฌ๐ญ โ€” โ€œSeek the Story, Claim the Flameโ€
Embark on a quest across booths, uncover hidden clues, and find the lost ANDAMYO Seal!

๐Ÿ”ฅ๐“๐ก๐ž ๐…๐ฅ๐š๐ฆ๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐…๐ž๐ž๐๐›๐š๐œ๐ค โ€” โ€œLight the Way for the Next Storyโ€
Share your thoughts, dreams, and wishesโ€”and let your flame inspire the next issue.

Dare to write. Dare to dream.
๐Ÿชถ Visit the ANDAMYO Booth at TAGINTING 2025 and let your story ignite the magic!

22/09/2025

ANG LATHALA|

Sa nagdaang Insight Exchange 2025, prangkang binigyan diin ni Andlynne na normalisado na ang kurapsyon sa bansa: maliit na paglabagโ€”parusa agad; malakihang pandarambongโ€”impunidad.

Sa kanyang pananaw, ang normalisadong katiwalian ay hindi lamang problema ng gobyerno, kundi hamon sa bawat mamamayan na maging mapanuri, matapang, at aktibong bumangon laban sa sistema ng kurapsyon. Isa itong paalala sa kabataan at komunidad ng AiTECH na ang hustisya at integridad ay nagsisimula sa bawat isa sa atin.

Si Andlynne ang bagong halal na 1st Year Governor sa katatapos lang na SGA Election 2025.

22/09/2025

EDITORIAL |

TAON-TAON, PAULIT-ULIT, PARANG SIRANG PLAKAโ€”OVERPRICED PROJECTS, GHOST PROJECTS, NAWAWALANG PONDO!

SAWANG-SAWA NA KAMI SA KORUPSYON! PRESIDENTE, SENADOR, KONGRESISTA, GOBERNADOR, ALKALDEโ€”LAHAT KAYO, KUNG KAYO MAN AY SANGKOT SA PANDARAMBONG, AY MAY PANANAGUTAN SA SUGAT NG BAYAN!

Ubos na ang mga Pilipino sa bawat sentimong kinakalso ng malabuwayang-pangil ng mga bulsa ng tiwaling pulitiko. Sa bawat litanya ng katiwalian, patuloy na tumatagas at lumalalim ang sugat ng taumbayanโ€”isang sugat na hindi lamang nasusukat sa pisong ninakaw, kundi sa wasak na sistemang patuloy na nilalapastangan ang kaban ng bayan.

Ito ay sadyang pag-abuso sa tiwala ng bayan.
Ito ay kanser ng lipunan na patuloy na pinapalala at pinagsasamantalahanโ€”isang sugat na patuloy na dinudugo habang ang mga tiwaling nasa kapangyarihan ay lumalangoy sa yaman na dapat ay para sa taumbayan.

Bilang mga iskolar ng AiTECH at inaasahang magiging lider ng construction industry, bitbit namin ang integridad, propesyonalismo, at tapat na paglilingkod. Kung kaya naming magtayo ng matitibay na gusali, kaya rin naming itayo ang isang lipunan na hindi nakabatay sa pandaraya, kundi sa katotohanan at hustisya.

Hindi kami bulag. Hindi kami p**i. Hindi kami mananahimik.

Mula sa confidential funds na walang malinaw na paliwanag, hanggang sa mga overpriced na proyekto at maanomalyang kontrata sa flood controlโ€”patunay lamang ito na walang balak ikandado ang mga tiwaling nasa gobyerno.

Panahon na para singilin ang dapat na sa atinโ€”buwis natin ito.
Panahon na para burahin ang bahid ng kasakiman sa gobyerno.
Panahon na para wakasan ang pandarambong na ginagawang negosyo ang serbisyo publiko.

Kung patuloy silang manlalamang,
Kung patuloy nilang lalapastanganin ang kaban ng bayan,
Tayo mismo ang hahawak sa kasaysayan.

Walang posisyon ang ligtas. Walang magnanakaw ang dapat makatakas.
Bilang kabataan, estudyante, at bilang Pilipino โ€“ tayo ay may kapangyarihang ipanata ang hustisya para sa bukas.





๐Ÿ–Š Abner Albito
โœ Mark Emil Japon

09/09/2025

EDITORIAL CRITIQUE| Insight Exchange 2025

Hindi baguhan si Chrisie kaya malakas din ang kanyang loob na tumakbo sa pagka-bise. Kasalukuyan siyang Chief of Staff ng SGA, kabisado na niya ang galaw ng organisasyon. Kilala niya ang proseso, alam niya ang daluyan ng kapangyarihan.

Ngunit dito pumapasok ang pinakamatalim na tanong: kung matagal ka nang nasa loob, bakit hanggang ngayon ay nananatiling mabagal ang aksyon at pilit pa rin hinahanap ang butas para sa pagbabago?

Idinidiin ni Chrisie na ang pagiging irregular student ay hindi hadlang. Totoo - tatlong subjects lang ang dala niya ngayon, kaya mas marami siyang oras. Pero ang tunay na hamon ay hindi oras, kundi resulta.

Ang karanasan ay maaaring maging sandata, pero maaari rin itong maging tanikala. Dahil kung matagal ka na sa sistema, masusukat ka hindi sa pangakong gagawin pa lang, kundi sa tanong na: ano na ba ang nagawa mo?

Siya ang tunay na mukha ng continuity. At para sa mga botante, ang tanong sa inyo ay simple: handa ba kayong manatili sa nakasanayan, o panahon na para sa bagong landas?

Want your university to be the top-listed University in Antipolo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Sitio Cabading, Brgy. San Jose
Antipolo
1870