Barangay Bagumbayan Angono, Rizal

Barangay Bagumbayan Angono, Rizal

Share

Ang ibig sabihin ng salitang BAGUMBAYAN ay BAGONG BAYAN (new town or new country), na kasing pangalan ng pook na BAGUMBAYAN na ngayo’y Luneta o Rizal Park, at ng bayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat sa Mindanao. Tatlong Bayan sa Rizal ang may mga baryong nagtataglay ng pangalang BAGUMBAYAN at ito ay ang mga bayan ng NAVOTAS, TAGUIG, at TERESA. Ang pangalang BAGUMBAYAN ay dating nilalagyan ng dugto

10/11/2023

We did it again! 3rd place Higantitos Fashionista 2023! ♥️👏 Congratulations Jayson San Esteban II for a job well done!

05/11/2023

Pinapaalam po sa lahat na nagkaroon po ng sira ang ating Patubigan kaya pansamantalang mawawalan po ng tubig. Bukas po ay dadating ang gagawa para matingnan kung ano po ang naging sira nito. Marami pong salamat sa pang-unawa.

31/10/2023

📣Baka po may Nakapulot ng black wallet ni Christian Javier, pakidala nlng po sa brgy hall dahil naglalaman po ito ng mga mahahalagang IDs or pakicontact po sya sa 09516367340 📣

09/10/2023

📣ATTENTION📣

Magkakaroon po ng orientation ang MERALCO kaugnay sa kanilang LIFELINE SUBSIDY na gaganapin ngaung darating na Biyernes, Oktubre 13, 2023, sa ganap na 2:00 ng hapon sa barangay hall. Ang lahat po ay iniimbitahan na dumalo para malaman po nating lahat kung paano tayo makakakuha ng discount sa MERALCO.

Marami pong salamat ♥️🤝♥️

Photos from Barangay Bagumbayan Angono, Rizal's post 01/10/2023

Ang pagpadyak muli para kay
♥️ San Clemente ♥️

Photos from Barangay Bagumbayan Angono, Rizal's post 22/09/2023

PAALAALA PO PARA SA LAHAT.. 😷

Nagbigay babala na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mataas na antas ng sulfur dioxide na inilalabas ng Bulkang Taal na nagdudulot ng volcanic smog o vog sa mga lugar na nakapaligid dito at umabot na rin dito sa Kalakhang Maynila.

Ito ay maaring magdulot ng iritasyon sa mga mata, lalamunan at respiratory tract na maaring maging malubha depende sa konsentrasyon o tagal ng pagkalanghap.

Dahil dito maigting na pinapaalalahanan ang lahat na mas mabuting mamalagi muna sa loob ng bahay at magsuot ng face mask.

MGA DAPAT GAWIN:
1. Limitahan ang iyong paglabas ng bahay.
2. Protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng facemask.
3. Isara ang mga bintana at pinto ng bahay.
4. Uminom ng maraming tubig.
5. Komusulta agad sa pinakamalapit na ospital kung makakaramdam ng hirap ng paghinga at iba pang epekto dulot ng smog.

MAG-IINGAT PO TAYONG LAHAT

Want your practice to be the top-listed Clinic in Angono?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Angono

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm