Ang Mamamahayag
Discorson
๐๐ฎ๐๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐๐ป๐๐ด๐ผ๐: Shefern Gwyneth M. Cuaresma
๐ง๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐๐ป๐๐ด๐ผ๐: Reign I. Veruasa
๐๐ฑ๐ถ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ถ๐ฟ๐ธ๐๐น๐ฎ๐๐๐ผ๐ป: Alexis Coleen T. Choy
๐ฃ๐ฎ๐๐ป๐๐ด๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฑ๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐น: Elyzhia De Varaz
๐ฃ๐ฎ๐๐ป๐๐ด๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ: Arabella Czarina Saga
๐ฃ๐ฎ๐๐ป๐๐ด๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ถ๐ป: Katherine Q. Canama
๐ฃ๐ฎ๐๐ป๐๐ด๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐: Jannah Mariz Jamili
๐ฃ๐ฎ๐๐ป๐๐ด๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐ด๐ต๐ฎ๐บ ๐ฎ๐ ๐ง๐ฒ๐ธ๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ต๐ถ๐๐ฎ: Ernest John N. Gabonada
๐ฃ๐ฎ๐๐ป๐๐ด๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด: Allyss
23/12/2025
๐๐ฆ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐ฆ ๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป: ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ง๐ฒ๐ฎ๐บ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ๐ ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐ ๐๐ฎ๐บ๐ฒ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
Sa bawat laban, pawis, at sakripisyong ibinuhos sa kompetisyon, muling ipinamalas ng mga atletang Pilipino ang kanilang tapang, husay, at dedikasyon sa 2025 Southeast Asian Games, na ginanap sa Thailand sa loob ng halos dalawang linggong palaro. Ang prestihiyosong multi-sport event na dinaluhan ng mga atleta mula sa ibaโt ibang bansa sa Timog-Silangang Asya. Mula sa mga palaruan ng football at basketball hanggang sa larangan ng athletics at esports, sunod-sunod ang panalong nakamit ng Team Philippines na nagdulot ng tuwa at inspirasyon sa mga Pilipino. Ang mga tagumpay na ito ay hindi lamang mga tropeo kundi mahahalagang bahagi ng kasaysayan ng palakasan ng bansa.
Nanguna sa mga makasaysayang panalo ang Philippine Womenโs National Football Team o Filipinas matapos makuha ang kauna-unahang gintong tagumpay ng Pilipinas sa womenโs football sa SEA Games. Tinalo nila ang apat na beses na kampeon na Vietnam sa isang dikit na finals na nauwi sa penalty shootout.
Samantala, matagumpay na naipagtanggol ng Gilas Pilipinas ang kanilang titulo sa menโs basketball matapos talunin ang host country na Thailand sa finals. Ipinakita ng koponan ang disiplina, tibay ng loob, at mahusay na pagtutulungan sa buong torneo.
Isang mahalagang unang tagumpay din ang naitala sa womenโs beach volleyball matapos nangibabaw ang Alas Pilipinas Women laban sa Thailand. Pinangunahan nina Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Dij Rodriguez, at Sunny Villapando ang makasaysayang panalo.
Sa athletics, muling nagningning si EJ Obiena matapos dominahin ang pole vault event at magtala ng bagong meet record na 5.70 metro, patunay ng kanyang patuloy na pamamayani sa rehiyon.
Nagbigay rin ng kasaysayan si Alex Eala matapos magwagi sa womenโs singles tennis, isang tagumpay na bihirang makamit ng bansa sa event na ito sa mga nagdaang dekada.
Namayani rin ang Team Philippines sa triathlon, kung saan nagpakitang-gilas ang mga atleta sa menโs, womenโs, at mixed relay events, dahilan upang maipakita ang lakas ng bansa sa endurance sports.
Sa esports, ipinagdiwang ng Team Philippines MLBB Menโs Team ang kanilang ikaapat na sunod na kampeonato, patunay ng patuloy na pamamayani ng Pilipinas sa Mobile Legends: Bang Bang.
Hindi rin nagpahuli ang Philippine softball teams, kung saan muling nagpakitang-gilas ang RP Blu Girls at RP Blu Boys sa kani-kanilang events, pinagtibay ang reputasyon ng bansa bilang isa sa pinakamahusay sa larangang ito.
Sa kabuuan, ang mga tagumpay na ito ng Pilipinas sa SEA Games 2025 ay patunay ng sipag, pagkakaisa, at dedikasyon ng mga atletang Pilipino. Gayunman, hindi lamang ang mga nabanggit na panalo ang naitala ng bansa, sapagkat marami pang ibang atleta at koponan ang nagbigay rin ng karangalan sa Pilipinas sa ibaโt ibang sports events.
Artikulo ni Shandreah Pelamin
Inanyo ni John Mart Mabasa
25/08/2025
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ!
Sa bawat patak ng pawis at dugong inialay ng ating mga bayaniโmula kay Rizal na nagwika sa pamamagitan ng pluma, hanggang kay Bonifacio na naghawak ng espada, kay Lapu-Lapu na unang tumayo laban sa dayuhan, at kay Gabriela Silang na nagpatuloy sa labanโnakatindig ang bansang ito sa kanilang walang kapantay na tapang.
Noong 2009, nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Republic Act No. 9492 na nagtatakda sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani sa huling Lunes ng bawat Agosto. Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Bayani ngayong Agosto 26, 2025 bilang opisyal na holiday sa buong Pilipinas.
Ngunit hindi lamang mga pangalang nakaukit sa monumento ang ating mga bayani. Ang kanilang diwa ay nabubuhay sa mga simpleng Pilipinong araw-araw na naglilingkod: mga g**ong nagtuturo kahit kulang ang sahod, ang drayber na ligtas na naghahatid-sundo sa mga mag-aaral, ang manggagawang patuloy na nagkakayod araw-araw, at ang ๐ฉ๐ฆ๐ข๐ญ๐ต๐ฉ ๐ธ๐ฐ๐ณ๐ฌ๐ฆ๐ณ๐ด ng bansa. Lahat sila ay bayaning walang kapa, ngunit may pusong handang magsakripisyo para sa kapwa.
Sa panahong mabilis ang pagbabago, mas naging mahalaga ang kanilang mga aralโpagmamahal sa katotohanan, pagkakaisa, at walang kondisyong paglilingkod. Ang kalayaang nakamit natin ay hindi lamang kalayaang maging malaya sa pang-aapi, kundi kalayaang maghanap at ibahagi ang katotohanan sa pamamagitan ng makatarungan at walang kinikilingang pamamahayag.
Ang tunay na paggalang sa kanila ay hindi nagtatapos sa mga seremonya. Ang tunay na pagpupugay ay ang maging bayani rin sa sariling paraanโsa tahanan, paaralan, trabaho, at komunidad. Sapagkat ang pagkabayani ay hindi sukat ng laki ng gawa, kundi ng laki ng pusong handang maglingkod. Ito ang patuloy na pagdadala ng kanilang mga prinsipyo sa aming pang-araw-araw na buhay.
Lagi't lagi para sa bayanโhindi lamang sa mga araw ng pagdiriwang, kundi sa bawat araw ng aitng buhay. Sapagkat sa bawat Pilipinong may malasakit, patuloy na nabubuhay ang diwa ng mga bayaning Pilipino.
Sa huli, ang pinakamagandang paraan upang parangalan ang ating mga bayani ay ang maging bayani rin sa ating sariling paraanโsa tahanan, sa paaralan, sa trabaho, at sa komunidad. Sapagkat ang pagkabayani ay hindi sukat ng laki ng gawa, kundi ng laki ng pusong handang maglingkod sa kapwa at sa bayan.
Ika nga ni Dr. Jose Rizal, "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan."
Sa paggunita sa nakaraan, ginagabayan natin ang kinabukasan. Sa pagpapahalaga sa mga bayani ng kahapon, nagiging inspirasyon natin ang mga bayani ng bukas.
Inanyo ni John Mart Mabasa
20/08/2025
๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ ๐ก๐ถ๐ป๐ผ๐ ๐๐พ๐๐ถ๐ป๐ผ
Ngayong ika-21 ng Agosto 2025, ginugunita natin ang Ninoy Aquino Day. Ito ay isang ๐ด๐ฑ๐ฆ๐ค๐ช๐ข๐ญ ๐ฏ๐ฐ๐ฏ-๐ธ๐ฐ๐ณ๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ฐ๐ญ๐ช๐ฅ๐ข๐บ na nagpapaalala sa sakripisyo ng dating Senador na si Benigno "Ninoy" Aquino Jr., isang bayani na naging simbolo ng tapang at pag-asa.
Noong 1983, pinaslang si Ninoy sa Manila International Airport pagkatapos niyang bumalik sa bansa mula sa tatlong taong eksilio sa Estados Unidos. Ang kanyang kamatayan ang naging mitsa ng 1986 People Power Revolution na nagpatalsik sa diktadurya at nagbalik ng demokrasya sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng Republic Act No. 9256, idineklara ang Agosto 21 bilang isang pambansang araw ng paggunita. Ito ay hindi lamang para alalahanin ang isang bayani kundi para paalalahanan din tayong lahat na ang demokrasya ay isang responsibilidad na dapat nating bantayan at ipagtanggol.
Sa loob ng 42 taon, nananatiling makabuluhan ang tanong ni Ninoy: "๐๐ด ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ธ๐ฐ๐ณ๐ต๐ฉ ๐ฅ๐บ๐ช๐ฏ๐จ ๐ง๐ฐ๐ณ?" Ang kanyang buhay at kamatayan ang naging malinaw na sagotโoo, tayo ay karapat-dapat.
Inanyo ni John Mart Mabasa
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Sarangani-Davao Del Sur Coastal Road
Alabel
9501