SAMAFI
13/07/2026
๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Sa likod ng bawat matagumpay na programa, makabuluhang proyekto, at di malilimutang sandali ng samahan ay naroon ang ๐๐๐ฝ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ปโang grupong may tungkuling magdokumento, magsulat, at magbahagi ng mga balita at pangyayaring sumasalamin sa buhay ng organisasyon. Sa pamamagitan ng kanilang pagsulat, pagpatnugot, at pagkuha ng mga larawan, naipapakita nila ang mga kuwentong nagbibigay-kulay at saysay sa bawat gawain.
Pinangungunahan ni ๐๐. ๐๐๐ฌ๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐. ๐๐๐ฅ๐ฅ๐จ๐ซ๐๐ง at ๐. ๐๐ฆ๐๐ง๐ฎ๐๐ฅ ๐๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ ๐. ๐๐๐ง๐จ๐ฌ๐ญ๐ bilang ๐ฃ๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ ng pangkat, katuwang si ๐๐. ๐๐ข๐ฆ๐๐๐ซ๐ฅ๐ฒ ๐๐ก๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ญ๐โ๐ฃ๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ป๐๐ด๐ผ๐, at ang mga pamatnugot na sina ๐๐. ๐๐๐ง๐ง๐ฒ ๐. ๐๐ข๐๐ฌ๐จ๐ง, ๐๐. ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐ ๐๐๐ ๐๐ซ๐ข๐ณ๐จ, at ๐๐. ๐๐๐ง๐ง๐ข๐๐๐๐๐ซ๐จ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐ซ๐ข๐, na nagsisiguro sa kaayusan, katumpakan, at kalidad ng bawat nilalamang inilalathala.
Sa pangunguna ni ๐๐. ๐๐จ๐ง๐๐ฃ๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ญ ๐. ๐๐๐ฆ๐ข๐๐ง bilang ๐ฃ๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ป๐๐น๐ฎ๐ kasama ang mga manunulat na sina ๐๐. ๐๐ข๐๐ง๐ง๐ ๐. ๐๐๐๐ซ๐๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐, ๐๐. ๐๐ฅ๐ญ๐ก๐๐ ๐๐๐ ๐. ๐๐จ๐ซ๐ฉ๐ฎ๐ณ, ๐๐. ๐๐จ๐ง๐ข๐๐ ๐. ๐๐ข๐๐ง๐จ, ๐๐. ๐๐จ๐๐ง๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ ๐. ๐๐ซ๐๐๐ง๐จ, ๐๐. ๐๐๐ฎ๐ฅ๐๐๐ง ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐๐๐๐๐ฅ๐ฅ๐๐ซ๐จ, ๐๐. ๐๐๐ง๐ฎ๐ฌ ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐๐ฌ๐ฌ ๐๐๐๐ข๐ฐ๐จ, at ๐๐. ๐๐จ๐ซ๐ข๐ ๐๐๐ง๐ ๐. ๐๐๐ฅ๐ข๐๐, patuloy na naitatala ang mga kuwentong nagpapakita ng diwa ng pagkakaisa, paglilingkod, at aktibong pakikilahok ng bawat kasapi.
Hindi rin magiging ganap ang bawat kuwento kung wala ang mga ๐๐ถ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐๐๐ฎ na sina ๐๐. ๐๐ฌ๐๐ก ๐๐๐ก ๐๐๐ซ๐ฅ๐จ๐ฌ, ๐๐. ๐๐ญ๐ก๐๐ง๐ ๐. ๐๐ฌ๐ญ๐๐๐ข๐จ, ๐๐. ๐๐ก๐ซ๐ข๐ณ๐๐ฅ๐ฒ๐ง ๐๐ฎ๐ฒ-๐จ๐ฌ, at ๐๐. ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐ฌ๐ฉ๐ฎ๐ซ๐ข๐, na sa bawat kuhang larawan ay naipapakita ang tunay na sigla at diwa ng samahan.
Higit pa sa pagsulat at pagkuha ng larawan, ang ๐๐๐ฝ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ay nagsisilbing tulay upang maihatid ang mahahalagang impormasyon, maitala ang mga alaala, at maipagdiwang ang bawat tagumpay ng organisasyon. Sa kanilang dedikasyon at sama-samang pagsisikap, patuloy nilang binibigyang-boses ang samahan at pinananatiling buhay ang mga kuwentong karapat-dapat alalahanin.
๐บ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐.
โ๏ธ: Bb. Lorie Jane Nalica
๐: Bb. Kim Shaine Lalata | Bb. Jasmine Dalloran
05/07/2026
#๐บ๐จ๐ด๐จ๐ญ๐ฐ๐ต๐๐๐๐๐๐!
Patuloy na lumalawak ang ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ต๐๐๐ฎ๐ ng mga ka-SAMAFI!
Pinatunayan ni ๐ฝ๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ช๐ ๐๐ค๐จ๐ ๐๐๐ก๐ก๐๐ก๐ค๐ฃ, dating ka-SAMAFI, na ang talento at galing ng mga nagpapakadalubhasa sa Filipino ay hindi lamang namamayagpag sa loob ng pamantasan kundi maging sa mas malawak na larangan. Isa siya sa mga nagwagi sa "๐๐ฎ๐ฝ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ง๐ต๐ถ๐ ๐๐ฎ๐บ๐ฒ" na programa ni ๐๐ค๐ซ. ๐๐๐ง๐๐ค ๐๐ง๐ฉ๐๐๐ na ginanap noong Hunyo 26, 2026 para sa mamamayan ng La Union.
Ang kaniyang obrang, "๐๐๐ฒ ๐ฆ๐ ๐ ๐ญ๐๐ง๐๐ฐ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฒ๐๐ฉ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ง๐ข๐ง๐ ๐ข๐ง, ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ง๐๐ -๐ฎ๐ฎ๐ฆ๐๐ฉ๐๐ฐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ข๐ง," ay naghatid ng makabuluhang pagninilay tungkol sa patuloy na pakikipagsapalaran ng tao sa pag-abot ng mga pangarap at paghahanap ng pag-asa. Dahil sa lalim ng mensahe at husay ng pagkakalahad nito, nahaplos nito ang damdamin ng mga mambabasa at nagkamit ng pagkilala.
Sa bawat tagumpay ng ating mga ka-SAMAFI, lalo pang lumalawak ang abot ng samahan at naipakikita ang husay, talino, at malikhaing paggamit ng wikang Filipino sa iba't ibang larangan.
Maraming salamat sa pagpapakita ng kahusayan at sa pagdala ng pangalan ng SAMAFI sa mas malawak na entablado, Binibining Maui!
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ถ, ๐ธ๐ฎ-๐ฆ๐๐ ๐๐๐!
โ๏ธ: Bb. Leah Kish Omanito
๐: G. Emanuel Denosta | Bb. Jasmine Dalloran
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Agoo
2433
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 12pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |