Budget Boss
05/24/2026
Crab Mentally yarn
05/18/2026
Si Mara, 3 years na siyang may karelasyon kay Jake. Sa una, sweet. Pero unti-unti, naging mabigat.
Si Jake yung tipong laging may duda. Kapag late si Mara ng reply, away agad. Kapag may kasamang lalaki sa group project, “cheater” na agad ang tingin. Si Mara, pilit inuunawa. “Baka mahal lang talaga ako,” sabi niya sa sarili.
Hanggang isang gabi, na-late si Mara galing trabaho. Pagdating niya sa bahay nila, naka-lock na yung pinto. Si Jake, hindi sumasagot sa tawag. Nung sumunod na araw, nag-chat lang: “Pagod na ko sayo. Tama na.”
Du na durog si Mara. Umiyak siya nang ilang linggo. Lahat ng kanta sa Spotify, parang tungkol sa kanila. Lahat ng lugar, may alaala.
Pero isang umaga, nagising siyang hindi na mabigat yung dibdib niya. Nakatulog siya nang buo. Nakakain siya nang hindi iniisip kung “galit ba si Jake?” Nakapag-mall siya nang hindi nagpapaalam kada galaw.
Unti-unti niyang narealize: yung “pagkawala” na kinatakutan niya, yun pala yung naging simula ng paghinga niya.
After 6 months, nasa kapehan si Mara. May lumapit na guy, nagpakilala, nagtanong kung pwede maki-share ng table. Hindi siya kinabahan. Hindi siya natakot na may magagalit. Tumawa siya — yung tunay na tawa na matagal nawala.
Pag-uwi niya, tumingin siya sa salamin. “Buti na lang pala, nawala yung maling tao,” bulong niya. “Kasi kung hindi, hindi ko makikilala yung tamang ako.”
04/21/2026
MAGKANO NASA IPON MO?
Ako ??? HULAAN NYO!!!!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Toronto, ON