Build with Rachelle

Build with Rachelle

Share

10/12/2025

BuildPrayCraft and D Crafters collaboration💕
Come and visit us at SM
Angono starting today until December 24, 2025. See you.

16/02/2025

Hanggang si Hesus ay Magbalik
Rev Arjun Pelias

Luke 2:49
49 Sumagot si Jesus, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako'y dapat mamalagi sa bahay ng aking Ama?”[a] 50 Ngunit hindi nila naunawaan ang sinabi niyang ito.

Matthew 3:17
17 At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!”

Si Hesus ay naglilingkod na sa Ama.
Walang namention tungkol sa kanyang paglaki hanggang sya ay 11 years old

Matagal na Siyang naglilingkod sa Panginoon.
Saka Niya pa lamang narinig ang tinig ng Panginoon.

Matthew 17:5
Habang nagsasalita pa si Pedro, nililiman sila ng napakaliwanag na ulap. Mula rito'y may tinig na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!

Kaya’t dapat tayo ay lumakad at maging kalugod-lugod sa Kanya

1. Bibigyan tayo ng Diyos ng mga mapagkukunan (Resources)

2 Peter 1:3
Tinanggap natin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang tayo'y mamuhay na maka-Diyos. Ito'y dahil sa ating pagkakilala kay Jesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan tayo ng kanyang[a] kaluwalhatian at kadakilaan.

Mga Awit 23
23 Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang;
2 pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan,
at inaakay niya sa tahimik na batisan.

2Corinto 9:8
Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa.

Parang mga Israelita na tatawid sa Ilog Jordan, kailangang mabasa muna ang kanilang paa bago tumigil ang agos ng tubig at maratung nila ang lupang Pangako

Filipos 4:19
19 At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

2. Nasa ating pananagutan kung paano natin gagamitin ang mga mapagkukunan

Luke 19:11-13(14:24)

Ang Talinghaga ng Salaping Ginto
11 Habang ang mga tao ay nakikinig, nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita at isinalaysay niya sa kanila ang isang talinghaga. Si Jesus ay malapit na noon sa Jerusalem at inakala ng mga tao na darating na agad ang kaharian ng Diyos. 12 Kaya't sinabi niya, “May isang maharlikang pumunta sa malayong lupain upang siya'y gawing hari, at pagkatapos nito, siya ay babalik. 13 Subalit bago siya umalis, tinawag niya ang sampu sa kanyang mga alipin at binigyan ang mga ito ng tig-iisang gintong salapi.[a] Sinabi niya sa kanila, ‘Ipangalakal ninyo iyan hanggang sa aking pagbabalik.’ 14 Ngunit galit sa kanya ang kanyang mga nasasakupan, kaya't nagsugo sila ng kinatawan upang sabihin sa kinauukulan, ‘Ayaw naming maghari sa amin ang taong iyon.’ 15 Gayunpaman ay ginawa rin siyang hari.

“Nang makabalik na siya at nagsimulang maghari, ipinatawag niya ang mga aliping binigyan ng gintong salapi, upang malaman kung magkano ang tinubo ng bawat isa. 16 Lumapit sa kanya ang una at ganito ang sinabi, ‘Panginoon, ang isang gintong salaping ibinigay ninyo ay tumubo ng sampu.’ 17 ‘Magaling,’ sagot niya. ‘Mabuting alipin! Dahil naging tapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, pamamahalain kita sa sampung lungsod.’ 18 Lumapit naman ang ikalawa at ang sabi, ‘Panginoon, ang gintong salaping iniwan ninyo sa akin ay tumubo ng lima.’ 19 At sinabi niya sa alipin, ‘Mamamahala ka sa limang lungsod.’ 20 Lumapit ang isa pang alipin at ganito naman ang sinabi, ‘Panginoon, narito po ang inyong gintong salapi. Binalot ko po ito sa panyo at itinago. 21 Natatakot po ako sa inyo dahil kayo'y napakahigpit; kinukuha ninyo ang hindi sa inyo at inaani ang hindi ninyo itinanim.’ 22 Sinagot siya ng hari, ‘Masamang alipin! Sa salita mong iyan ay hahatulan kita. Alam mo palang ako'y mahigpit at sinasabi mo pang kinukuha ko ang hindi sa akin at inaani ko ang hindi ko itinanim. 23 Bakit hindi mo na lamang idineposito sa bangko ang aking salapi? May tinubo sana iyan bago ako dumating.’ 24 At sinabi niya sa mga naroon, ‘Kunin ninyo sa kanya ang gintong salapi at ibigay sa may sampu.

Hindi lang ito sa pananalapi, tumutukoy din ito sa abilidad, kakayahan, dunong

Lahat ay galing sa Panginoon

3. Ang ating pagpapagal sa Panginoo. Ay hindi walang kabuluhan

1Corinto 15:58
Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo palagi sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya.

Luke 19:16-20, 24
16 Lumapit sa kanya ang una at ganito ang sinabi, ‘Panginoon, ang isang gintong salaping ibinigay ninyo ay tumubo ng sampu.’ 17 ‘Magaling,’ sagot niya. ‘Mabuting alipin! Dahil naging tapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, pamamahalain kita sa sampung lungsod

Kung ikaw ay tapat, mararamdaman mo ang pagpapala ng Diyos

V18 Lumapit naman ang ikalawa at ang sabi, ‘Panginoon, ang gintong salaping iniwan ninyo sa akin ay tumubo ng lima.’ 19 At sinabi niya sa alipin, ‘Mamamahala ka sa limang lungsod

V20Lumapit ang isa pang alipin at ganito naman ang sinabi, ‘Panginoon, narito po ang inyong gintong salapi. Binalot ko po ito sa panyo at itinago

V24 At sinabi niya sa mga naroon, ‘Kunin ninyo sa kanya ang gintong salapi at ibigay sa may sampu

Umpisahan natin ngayon pa lamang.
Huwag natin antayin na umangat ang ating buhay bago pa maglingkod sa Diyos
Aangat po yan pag na kay Cristo tayo
Kaya mga kapatid tayo ay maglagak ng ating panahon para kay Hesus mula ngayon hanggang sa Kanyang pagbalik.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Antipolo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

Antipolo