Hasnaph
So katarbiya sya Kano wata Endo so kalbihan na ta'ziyah
Sya Kano agama Islam
Sheikh Muslimin Amiril
10/04/2026
๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐ข ๐๐ก๐ ๐๐ฆ๐๐ช๐ ๐ ๐ข? ๐ฃ๐๐ฅ๐ข ๐๐๐ก๐๐๐๐ฌ๐๐๐ก ๐ ๐ข ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฆ๐จ๐ก๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ก๐ก๐๐ !
Mabait na Mister o Isang 'Dayooth'?, Ang Matinding Babala sa mga Lalaki
Ang Mabigat na Pananagutan ng Asawa, Pag-iingat Laban sa Jahannam
Ang pag-aasawa ay hindi lamang puro romance o pagpapansin sa social media para makakuha ng likes. Bilang lalaki ng tahanan, ikaw ang leader at ikaw ang direktang tatanungin ng Allah (๏ทป) sa Araw ng Paghuhukom. Kung pababayaan mo ang iyong asawa sa kanyang mga kasalanan dahil lamang sa ayaw mo ng gulo, siya mismong asawa mo ang magiging dahilan upang kaladkarin ka papunta sa Jahannam.
Mula sa Qur'an: na nagsasaad ng iyong mabigat na obligasyon:
"ููุง ุฃููููููุง ุงูููุฐูููู ุขู
ููููุง ูููุง ุฃูููููุณูููู
ู ููุฃููููููููู
ู ููุงุฑูุง"
"O kayong mga naniwala, iligtas ninyo ang inyong mga sarili at ang inyong mga pamilya mula sa apoy..." [Surah At-Tahrim].
Paliwanag: Ang pag-iingat na tinutukoy dito ay hindi pisikal na proteksyon laban sa mga magnanakaw o sakuna. Ito ay espirituwal na pag-iingat. Obligasyon mong turuan siya ng tamang relihiyon, utusan siyang sumunod sa Allah (๏ทป), at mahigpit na pigilan siya sa paggawa ng kasalanan.
Mula sa Hadith: upang patunayan na ikaw ay tatanungin:
ุนููู ุนูุจูุฏู ุงูููููู ุจููู ุนูู
ูุฑูุ ููููููู ุณูู
ูุนูุชู ุฑูุณูููู ุงูููููู ุตููููู ุงูููููู ุนููููููู ููุณููููู
ู ููููููู: "ูููููููู
ู ุฑูุงุนู ูููููููููู
ู ู
ูุณูุฆูููู ุนููู ุฑูุนููููุชููู... ููุงูุฑููุฌููู ุฑูุงุนู ุนูููู ุฃููููู ุจูููุชููู ูููููู ู
ูุณูุฆูููู ุนูููููู
ู"
Mula kay Abdullah bin Umar, sinabi niya: Narinig ko ang Rasulullah (๏ทบ) na nagsasabi: "Ang bawat isa sa inyo ay pastol, at ang bawat isa sa inyo ay tatanungin tungkol sa kanyang nasasakupan... at ang lalaki ay pastol sa kanyang pamilya, at siya ay tatanungin tungkol sa kanila." [Sahih al-Bukhari].
Ang pagiging pastol ay nangangahulugang may authority ka sa loob ng bahay. Hindi mo pwedeng sabihin na "buhay niya yan" dahil ang kanyang mga maling desisyon sa relihiyon ay magpapakita ng iyong kapabayaan bilang lalaki.
Paano Pangalagaan ang Asawa Laban sa Jahannam:
1. Magtatag ng matibay na espirituwal na pundasyon. Huwag kang makuntento na magaling siyang magluto o mag-alaga ng anak. Ang pinakamahalaga ay ang kanyang Aqeedah. Turuan mo siya ng tamang Tawheed at ilayo mo siya sa lahat ng uri ng inimbentong aral (Bid'ah) at pamahiin na madalas kumalat. Siguraduhin mong nakabase ang kanyang Ibadah sa unawa ng Salaf As-Saalih.
2. Magtakda ng boundaries sa pananamit at pagpapakita sa iba. Kung lalabas siya na hindi tama ang Hijab, o kung nagpapakita siya ng larawan na lantad ang awrah, pigilan mo siya. Ang lalaking walang selos (Gheerah) sa kanyang asawa ay tinatawag na Dayooth. ang Dayooth ay hindi kailanman makakapasok sa Jannah.
3. Itama ang kanyang mga pagkakamali nang tuwiran ngunit may karunungan. Kung nakikita mong nag-tsitsismis siya, nanonood ng mga ipinagbabawal na palabas, o nag-aaksaya ng oras sa selpon, huwag kang manahimik. Ang pananahimik mo ay pagsang-ayon sa kanyang kasalanan. Responsibilidad mong itama siya upang iligtas ang kanyang kaluluwa, hindi para kukunsintihin upang maiwasan lamang ang away sa bahay.
4. Maging isang mahusay na halimbawa. Hindi ka pwedeng humingi ng strict na pagsunod sa Allah (๏ทป) kung ikaw mismo ay tamad magdasal sa Masjid o tamad mag Salaah o nagpapabaya sa Sunnah. Kailangan niyang makita ang katotohanan ng Islam sa iyong mga gawa, hindi lang sa iyong mga salita.
Ito ang mapait na reality ng pag-aasawa bilang isang husband. Ang tunay na layunin ay hindi ang maging komportable lang sa mundong ito, kundi ang makasama ang isa't isa sa Jannah at makaiwas sa napakatinding sakit ng Jahannam.
๐๐ป๐ด ๐๐น๐น๐ฎ๐ต (๏ทป) ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ-๐ฎ๐น๐ฎ๐บ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐.
โ๏ธ ๐๐ต๐บ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป - ๐๐ฎ'๐๐ฎ๐ต ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฒ
Masha Allah ged man๐ฅฐ
๐ฃ๏ธ Su tao a Mu'min syakanu Pakuburan nin
Daka egkagilek amengka nasuwatan kanu Allahu ta'allah ๐คฒ
Shiek Saguir Salendab ๐๏ธ.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Address
Taif