Mommy and SRL Daily Routine
DEUTERONOMY 31:6
"Do not fear the road ahead,
for God walks with you. His hand will guide you, and His grace will sustain you through every trial."
Isaiah 43:19
Never lose hope, just when you think its over, God will make a way.
27/05/2026
‘IF THE PROPOSAL IS TRULY DEFENSIBLE, THEN LET IT PASS THROUGH THE PROPER ROUTE’
Kinondena ng Senate minority ang anila’y pagtatangka ng mayorya na madaliin ang “major change” sa Senate rules kaugnay ng electronic voting ng mga senador.
Tanong ng minorya: Minamadali ba ang pag-amyenda sa naturang rule dahil nais nilang makaboto si Sen. Bato dela Rosa at dahil sa ulat na mayroong majority senators na maaaring arestuhin?
“We walked out because what happened on the floor looked less like orderly deliberation. The proposed rule change affects how senators may attend sessions, participate in proceedings and exercise their mandate through remote means,” saad nila.
Dagdag ng minorya, nararapat na buksan ito sa isang “healthy public debate” sa halip na madaliin sa pamamagitan ng “tyranny” o paniniil ng mayorya.
27/05/2026
‘SAYANG’
Ito ang reaksyon ni Sen. Robin Padilla matapos mag-walk out ng minority senators sa sesyon ng Senado gabi ngayong Martes, May 26.
Kasunod ito ng nangyaring diskusyon kaugnay sa mungkahing iamyenda ang rules ng Senado upang payagan ang remote participation at electronic voting ng mga senador.