Helping Updates
11/08/2023
Happiest And Blessed Birthday Sa Ating Kalugar Na Si Nicha Elah Cama , Enjoy Your Day ! Godbless you!
09/08/2023
1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng residente ng Tondo, Manila, mula sa lahat ng edad. Ang mga kabataang wala pang 18 taong gulang ay kailangang magpasa ng “Pahintulot ng Magulang” upang makasali.
2. Ang lahat ng kalahok ay dapat naka follow o nakapaglike sa 11th Civil Military Operations Kaugnayan Battalion FB page o click ang link na ito https://www.facebook.com/11cmokaugnayanbattalion?mibextid=ZbWKwL
3. Ang mga kalahok ay kinakailangang magpasa ng orihinal na larawan na tugma sa tema na “I LOVE CMO”. Ang mga larawan ay dapat may kasamang mga sundalo ng 11th CMO Battalion sa isang frame.
4. Ang mga kalahok ay maaaring gumamit ang anumang digital na kamera o smartphone upang kunan ang kanilang mga larawan.
5. Ang mga larawan ay hindi dapat maglaman ng mga watermark.
6. Ang mga larawan ay dapat pag-aari ng mga kalahok.
7. Ang mga kalahok ay hindi pwedeng magpasa ng mga larawan na nagamit na sa ibang kompetisyon o nailathalang sa anumang media at ipinost online para sa anumang layunin bago magsimula at habang nagaganap ang patimpalak.
8. Ang larawan ay dapat nagtatampok ng malinaw at magandang ugnayan o akitibidad ng mga sibilyan at mga sundalo ng 11th CMO na nagpapakita ng kanilang pagkakaisa at kooperasyon.
9. Ang mga kalahok ay dapat magbigay din ng maikling kapsyon para sa larawan na nagpapaliwanag kung paanoo ito nagpapakita ng koneksyon sa pagitan ng mga residente ng Tondo, Manila at mga kawal ng CMO.
10. Ang mga kalahok ay dapat magpasa ng kanilang mga entry sa 11th Civil Military Operations Kaugnayan Battalion o click ang link na ito https://www.facebook.com/11cmokaugnayanbattalion?mibextid=ZbWKwL na hindi lalampas sa Agosto 10, 2023, alas-5 ng hapon.
11. Ipopost lahat ng mga entry na pumasa sa initial screening sa Agosto 11, 2023 sa 11th CMO “Kaugnayan” Battalion page.
12. Ang deadline ng pag-like at pag-share ay sa Agosto 30, 2023 alas-12 ng tanghali.
13. Ang mga mananalo ay ipo-post sa Agosto 31, 2023 alas-5 ng hapon.
14. Kung sakaling parehong kalahok ang nagkakuha ng parehong bilang ng likes at shares, paghahatiin nila ng pantay ang premyo.
Criteria:
a. Most Liked - 50%
b. Most Shared - 50%
Click here to claim your Sponsored Listing.