DWPM Radyo 630
07/08/2025
Mark Villar seeks Senate probe into soaring domestic airfare prices
"Marami sa kanila, ilang TAON na na walang maayos na tubig," -Sen. Risa Hontiveros
READ MORE: https://newsinfo.inquirer.net/2091943/mark-villar-seeks-senate-probe-into-soaring-domestic-airfare-prices?utm_source=facebook&utm_medium=social&fbclid=IwY2xjawMA-cpleHRuA2FlbQIxMQABHlruT9knKWG2lhERkaee5b7R5u5h_5elzNsJyZT2zVzgj7MiFzYw0KA6BwU__aem_v1PEfSMNAgQg8V9wK3UoYg
11/07/2025
Kinuwestiyon ni House prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua ang pagpapasya ni Vice President Sara Duterte na sasagutin niya umano ang mga katanungan hinggil sa kanyang confidential funds, na isa sa mga alegasyon na inihain sa Articles of Impeachment laban sa kanya.
Ito ay matapos sabihin ni VP Sara na sasagutin niya sa kanyang impeachment trial ang mga kuwestiyon ukol sa lumabas na umano'y 'fictitious names' sa acknowledgement receipts ng confidential funds.
“Our lawyers are preparing for that trial and collecting pieces of evidence and gathering affidavits from witnesses that they will present during trial,” saad ni VP Sara nitong Miyerkules, Hulyo 9.
Sinabi naman ni Chua na sana ay ginawa ito ng bise presidente noong isinasagawa ang mga committee hearing.
Gayunpaman, "good thing" pa rin umano ito dahil maipapaliwanag na ng nasasakdal ang kuwestiyunableng paggastos niya sa confidential funds, ayon kay Chua.
"Dahil matagal na naman na natin inaantay ‘yung paliwanag nila,” dagdag ng kongresista.
26/04/2025
Sa ginanap na press briefing ng Malacañang ngayong Biyernes, Abril 25, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na sinibak na sa pwesto ang principal na sangkot sa nangyaring “toga incident” sa graduation ceremony ng isang eskwelahan sa Laua-an, Antique.
Sa nag-viral na video ng insidente, makikita ang principal na pinapatanggal sa mga estudyante ang suot-suot nilang toga.
Sinabi din ni Castro na ang magiging desisyon kaugnay sa pagtanggal ng lisensya sa naturang principal ay hindi manggagaling sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. o kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara.
“Tinanggal lamang po siya sa pagiging principal, 'yung license naman po niya ay hindi naman manggagaling sa pag-uutos ng Pangulo o DepEd Secretary,” aniya.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Taguig
1637