New Basic
22/04/2025
INTERNATIONAL MOTHER EARTH DAY
Sa bisa ng United Nations General Assembly Resolution 63/278, ang bawat ika-22 ng Abril ay International Mother Earth Day o Pandaigdigang Araw ng Inang Kalikasan.
Ngayong 2025, ang tema ng komemorasyon ay “Our Power, Our Planet”--- panawagan upang makiisa sa pagtataguyod ng renewable energy o nababagong enerhiya na malinis at mas murang enerhiya mula sa solar, wind, hydroelectric, geothermal at tidal energy.
Sa pamamagitan ng paglinang at paggamit ng mga nababagong enerhiya, malalabanan ang climate change, mapapangalagaan ang saribuhay (biodiversity), ekosistema at mabawasan ang paggamit ng fossil fuels.
Nakikiisa ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa pagpukaw ng kamalayan at edukasyon, pagtataguyod at pagkilos para sa Inang Kalikasan.
Click here to claim your Sponsored Listing.