Chaplain Jen

Chaplain Jen

Share

22/07/2026

Second ID. Second Year. 🤍

June 10, 2024 was the exact date ng aking unang araw dito sa AMCM as a chaplain. Yes, dalawang taon (mahigit) na ang nakalipas. Two years of entering hospital rooms with different stories. Stories of pain, fear, hope, prayers, and minsan, silence.

But behind this ID is also a person who struggles. May mga araw na pumapasok ako sa hospital na may sarili rin akong dalang pagod, worries, at mga bagay na hinaharap sa buhay. May mga pagkakataong ako rin ay hindi sigurado, nanghihina, at nangangailangan ng lakas.

Pero sa gitna ng sarili kong struggles, kahit sa totoo lang at times, very challenging, patuloy pa rin akong natututong makinig sa kwento ng iba.

And one thing this ministry continues to teach me is this:

Every life story matters.

Bawat pasyente ay may kwento. Bawat pamilya ay may pinagdadaanan. At minsan, habang nakikinig tayo sa iba, napapaalala rin sa atin na hindi tayo nag-iisa sa mga laban natin.

Two years as a chaplain. Still learning. Still growing. Still struggling at times. But still grateful for the privilege to serve.

Grateful lang talaga ako habang ako’y nagre-reflect hehe.

Purihin ang Dios!

17/07/2026

Maging green flag na kaibigan tayo🙏🏼

Website