Caleb Tribes

Caleb Tribes

Share

Photos from Caleb Tribes 's post 25/05/2026

" COMMITMENT SA PAGLILINGKOD "

Galacia 6:9
Huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti.

Hindi lang mahalaga ang magaling magsimula ,mahalaga ang marunong magpatuloy.
Ang tunay na commitment sa Diyos ay nasusubok kapag
pagod ka na, walang nakaka-appreciate, may problema at gusto mo nang sumuko

Ang Diyos ay naghahanap ng mga lingkod na tapat, matatag at committed hanggang wakas
Hindi masasayang ang bawat sakripisyo at paglilingkod mo sa Panginoon. Tuloy lang.
Walang urungan sa calling na ibinigay ng Diyos.

Photos from Caleb Tribes 's post 04/05/2026

“Pananampalataya Kahit May Takot”

Mateo 14:22–33

1. May Tawag si Jesus na Lumabas Ka sa Comfort Zone
Mateo 14:28-29
“Sabi ni Pedro, ‘Panginoon, kung ikaw nga, utusan mo akong lumakad sa tubig.’”

- Hindi si Jesus ang unang nag-offer,.si Pedro ang humingi.
- Ibig sabihin: may part tayo na kailangan sumunod at magtiwala.

2. Habang Nakatingin Ka Kay Jesus, Kaya Mong Lumakad sa Imposible

Habang nakafocus si Pedro kay Jesus, nakakalakad siya sa tubig. - imposible pero nangyayari.

3. Kahit Lumulubog Ka, Hahawakan Ka Pa Rin ni Jesus

- Inabot agad siya ni Jesus.
-Hindi siya pinabayaan.

Kahit nagkamali ka, kahit natakot ka—hindi ka iiwan ng Diyos.

Photos from Caleb Tribes 's post 27/04/2026

Ano ang mga blessing na ipinagkatiwala ng Diyos sa’yo? (faith, ministry, pamilya, calling)
Paano mo ito iingatan?
Ang blessing ay hindi lang tinatanggap,.ito ay iniingatan.

1: Pahalagahan ang pagpapala bago pa ito mawala
2: Hindi lahat ng nawawala ay nababawi
3: Ingatan ang ipinagkatiwala ng Diyos sa’yo

Photos from Caleb Tribes 's post 20/04/2026

"PUMILI KA NG IIWAN"

Hebreo 12:1 (RTPV)
“...alisin natin ang lahat ng bagay na nagpapabigat sa atin at ang kasalanang madaling pumigil sa atin...”

-Hindi ka makakatakbo ng maayos kung may dala kang bigat.

1. May mga bagay na kailangang bitawan
- Kasalanan
- Toxic habits
- Wrong relationships

2. Hindi lahat ng bagay ay masama , pero hindi lahat ay tama
1 Corinto 10:23
“Lahat ng bagay ay maaaring gawin, ngunit hindi lahat ay kapaki-pakinabang.”

3. Letting go is painful but necessary
Masakit - pero may purpose

“Hindi ka uusad kung ayaw mong bumitaw.”
God bless.

20/04/2026

Sa bawat hakbang, sa bawat desisyon—walang mas hihigit pa sa kapanatagang dulot ng pananatili sa Diyos. Sa Kanya, tayo ay ligtas, may pag-asa, at may malinaw na direksyon.

Minsan, ang kailangan lang natin ay bumitaw sa sarili nating kontrol at magtiwala sa dakilang plano ng Diyos.

Photos from Caleb Tribes 's post 30/03/2026

"CHECK YOUR HEART "
(Suriin ang Puso sa Harap ng Diyos)

Mark 11:15-16 (ASND)
15 Pinalayas niya ang mga nagbebenta at bumibili sa loob ng Templo;
pinagtatapon niya ang mga mesa ng nagpapalit ng pera.
16 At hindi niya pinayagang may magdala ng anumang gamit sa loob ng Templo.

MAY MGA BAGAY NA GUSTONG ALISIN NG DIYOS SA ATING PUSO

There are things God wants to remove.
Si Jesus ay hindi nagpigil.
Pinagtataboy Niya ang mga bagay na hindi dapat nasa templo.

Kung may mga mesa at gamit na pinaalis si Jesus noon,
may mga bagay din sa puso natin na gustong alisin si Lord ngayon:

- bitterness
- inggit
- pride
- worry
- secret sins
- unhealed pain
- wrong motives

Hindi makakapasok ang presensya ng Diyos sa pusong puno ng kalat.

Photos from Caleb Tribes 's post 16/03/2026

Hindi lang tayo tinawag ng Diyos para tumanggap ng pagpapala — tinawag din Niya tayo para maglingkod.

Kung si Jesus mismo ay dumating hindi para paglingkuran kundi para maglingkod, gaano pa kaya tayo na Kanyang mga tagasunod?

Minsan akala natin maliit lang ang kaya nating gawin, pero sa mata ng Diyos mahalaga ang bawat paglilingkod — kahit simpleng pag-encourage, pag-pray, o pagtulong sa kapwa.

Tandaan: Hindi hinahanap ng Diyos ang perpektong tao, hinahanap Niya ang pusong handang gamitin.
Be a blessing. Serve God. 🙌

11/03/2026

Minsan ganito tayo bilang Kristiyano…
Naririnig natin ang Salita ng Diyos tuwing may Bible Study o Cellgroup tayo.

Nakikinig tayo sa preaching.
Pero pagdating ng Monday hanggang Saturday… parang nakakalimutan natin.
Pero isipin natin ito…

Kung ang Diyos ay nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita,
hindi ba dapat natin itong pahalagahan?
Maraming tao sa mundo ang walang pagkakataon makarinig ng Salita ng Diyos.

Pero tayo…
may Bible tayo
May Cellgroup tayo
may nagtuturo sa atin.

Kaya ang tanong:
Ano ang ginagawa natin sa Salita ng Diyos na ating naririnig?
Nakikinig lang ba tayo?
O isinasabuhay natin ito?
Dahil ang tunay na pagbabago ay nangyayari kapag ang Salita ng Diyos ay hindi lang naririnig… kundi sinusunod.

Photos from Caleb Tribes 's post 09/03/2026

Isaiah 55:6–7

“Hanapin ninyo ang Panginoon habang Siya ay matatagpuan; tumawag kayo sa Kanya habang Siya ay malapit. Talikuran ng masama ang kanyang lakad at manumbalik siya sa Panginoon.”

ANG DIYOS ANG NAGTUTUWID NG ATING DIREKSYON

Kapag lumalapit tayo sa Diyos:
-tinuturuan Niya tayo
-inaayos Niya ang ating landas
-binibigyan Niya tayo ng bagong simula

Hindi mahalaga kung gaano na kalayo ang narating mo.

- Ang mahalaga ay bumabalik ka.

05/03/2026

“Laging May Dahilan”

Luke 14:18 RTPV
“Ngunit nag-umpisa silang lahat na magdahilan. Sinabi ng una, ‘Nakabili ako ng bukid at kailangan kong puntahan; patawarin mo ako kung hindi ako makakadalo.’”

May napansin ba kayo?
Kapag iniinvite natin ang isang tao sa church, minsan hindi naman siya agad tumatanggi.
Pero biglang may lumalabas na dahilan.

“Bro attend ka mamaya.”
Sagot:
“Gusto ko sana… pero may gagawin lang ako.”

Next week…

“Bro attend ka ulit.”
Sagot:
“Gusto ko sana… pero pagod ako.”

Next week ulit…

“Bro attend ka.”
Sagot:
“Gusto ko sana… pero next time na lang.”
Minsan napapaisip ka tuloy…
parang ang dahilan ang laging present, pero yung tao ang laging absent.

Minsan hindi naman masama ang maging busy kung
May trabaho, may pamilya, may responsibilidad.

Pero minsan ang tanong lang ay ito:
May oras pa ba tayo para sa Diyos?
Dahil kapag gusto natin ang isang bagay,
hindi tayo naghahanap ng dahilan… naghahanap tayo ng paraan.

Baka ngayon sinasabi ng Diyos sa atin:
“Anak, hindi ko kailangan ng maraming dahilan…
ang gusto ko lang ay ang presensya mo.”

Photos from Caleb Tribes 's post 02/03/2026

"TURNING POINTS"

Turning point is not the end.
It is a new beginning.
Isang desisyon lang…
One decision can change everything.

Hindi kahinaan ang umamin sa mali.
Ito ay isang Katapangan.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Santo Tomas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

MVH San Miguel
Santo Tomas
4234